" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TEN
"Good morning my dearest." Bungad ni Elijah sa kasintahan ng pagbuksan siya nito.
Kaso ang dalagang natutulog pa yata ang diwa ay inakala niyang nasa sariling kuwarto. Lukot ang mukha dahil naantala ang masayang panaginip.
"Ikae Wilmer Gabb kaailan ka pa natutong gawing alarm clock ang sarili mo? Disturbo ka ng panaginip alam mo ba iyun?" Inis niyang sabi sabay kusot sa mata na halatang inaantok pa.
Kaso...
Teka lang!
My dearest daw!
Ibig sabihin....
"Ahhh! Nandito pala ako sa pamamahay ng....Heh! Bakit ka nangangalampag?" Pasimpleng bulong niya sa nobyo na halatang amused na amused sa hitsura niya.
"Remember today is the first day of your training kaya't kinatok na kita para sabay na tayong mag-almusal and of course sabay tayong pupunta sa gymnasium." Nakangiting sagot ni Elijah.
Ang nobya niyang super cute kahit bagong gising, sarap halikan ang mga labing namumula lalo at kinagat nito ng sumiksik sa isipan na hindi siya ang bunsong kapatid kundi ang nobyo at nasa Bontoc ito. Kaso ayaw din naman niyang isipin nitong sinasamantala niya ang pagtira nito sa kanilang tahanan.
"Eh siya sige hintayin mo ako baka maligaw pa ako sa bahay ninyo." Tuloy ay pinamulahanang sabi ng dalaga.
"Take your time my dearest." Nakangiting sagot niya.
Hindi na ito sumagot, hindi rin pinagkakaabalahang isinara ang pintuan kaya't dinig na dinig niya ang lagaslas ng tubig mula dutsa.
"Ang nobya kong super cute marunong din pala itong kumanta." Bulong niya ng maulinigan itong kumakanta kahit pa may lagaslas ng tubig.
"Sino kuya?" Tanong naman ng bunso niyang kapatid na halata ding bagong gising.
"Ang magiging hipag mo bunso." Sagot niya.
Napangiti naman si JD sa sagot ng kapatid, hindi pa naman kasi niya nakadaupang palad ang nobya nito dahil gabi na ng umuwi siya galing ng KOTN. Nabanggit lang ng mga magulang nila na isinabay ito ng kuya niya upang mag-aral ng self-defense.
"Aba'y mukhang bantay ka na niyan ah. Baka naman may balak kang pasukin siya diyan? Sa baba mo na lang siya hintayin." Kantiyaw niya sa kuya.
Kaya naman ang kuya ay siya pa ang napakamot sa ulo, siya pa ang kinantiyawan ng bunso.
"Ahh ikaw talaga bunso naku huwag mo nga akong ihambing sa kuya Xander mo aba'y kung gusto kong pasukin disin sana'y sa sasakyan pa lang eh ginawa ko na." Sagot niya na hindi maitago ang pamumula ng pisngi.
"Oh anong kinalaman ko diyan kapatid? Aba'y totoo naman kasing maaring sa baba mo siya hintayin ah. Baka naman maging bantay salakay ka na niyan?" Buska pa ng taong binanggit na nandoon din pala sa tahanan nila.
Pero bago pa siya makasagot ay bumukas ng husto ang pintuan ng guestroom kung saan naroon ang taong pinag-uusapan nila. She's wearing jogging pants with white shirt na mahaba ang manggas.
"He-hello sa inyong lahat. Good morning." Sabi ng dalaga na lihim kinastigo ang sarili dahil nautal pa talaga siya.
Sino ba naman kasi ang hindi mauutal!
Nobyo lang niya ang napagbuksan niya, sinabihang hintayin siya dahil baka maligaw siya at mapunta kung saan-saan kaso may dalawa na itong kasama at mukhang siya ang pinag-uusapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/207747428-288-k440724.jpg)
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generaleGeneral Fiction/ Romance/ Drama