" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SEVENTEEN
"Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa anak ko Cloie. Magpasalamat ka at hindi ang mga estudyante ni Elijah ang nakaharap mo dahil kung nagkataon mas nahuli ako'y baka nasa gymnasium ka ng nakasabit sa dingding." Sabi ni Greg sa dalagang kasing-kapal na yata ng make up ang mukha dahil bistado na nga pero maangas pa.
"I don't know what you are saying daddy!" Naki-daddy ka pa!
"Noong una maganda sa pandinig ang may tumatawag sa akin na daddy kahit hindi ko kaano-ano pero huwag na huwag mo akong matawag-tawag na daddy dahil salamat sa Diyos at may hiya ang mga anak ko unlike you. Wala ka na ngang hiya ibinababa mo pa ang dignidad mo." Pigil dito ni Greg.
"Wala sa dugo namin ang walang hiya iha. Edukado lahat ang mga apo ko, walanh kagaya mong walang dignidad na ikaw pa ang nagsiksik sa sarili mo sa tao samantalang hindi naman pala kayo magkarelasyon. Sayang ka lang iha kung hindi ka lang sana ganyan maari pang mapabilang ka sa pamilya namin kaso salamat sa Diyos dahil inunahan niya kami at nalaman namin na hindi ka karapat-dapat sa mga apo ko." Nakailing namang sabi ni lolo Darwin.
Nagwawala pa ito pero hindi pumayag ang mga taga Bontoc na manirahan pa ito doon lalo at wala silang kaalam-alam ss pinagmulan nito. Dinala ito ng mga awtoridad sa Baguio City Jail.
"Iyan ang nababagay sa tulad niyang ambisyosa. Akala mo kung sino. Maka-my place eh." Tuloy ay ismid ni Mrs Dela Rosa este bitchichay bago nila ito ibiniyahe.
Hinintay lang din ng mag-amang Greg at Darwin na nawala sa paningin nila ang patrol car ng Camp Villamor na may lulan sa dalagang suspect bago sila umuwi
"Walang kamag-anak pagdating sa batas judge Santillan. Kahit anak mo ang sangkot, kahit ikaw sng boss ko'y hindi ibig sabihin niyan na hahayaan ko na lang ang maling gawain niya. Saka isa pa judge oras na ginawa ko iyun ay dinaig ko na ang mga taong lansangan na hindi nag-aral kaya't pasensiya ka na itutuloy ko ang kasong hawak ko sa ayaw at sa gusto mo." Inis na inis man pero pinilit niyang naging kalmado.
Para saan pa na nag-aral siya at nagmasteral pa sa ibang bansa kung susundin niya ang judge huwag ituloy ang kaso dahil anak nito ang sangkot? Kung gagawin niya iyun ay parang hinayaan na lang niyang tuklawin siya ng ahas.
"Kung gano'n attorney Cameron wala na akong magagawa diyan. Hindi lang ang anak ko ang nadawit sa drug trafficking case na hawak mo. Ilan sa kanila'y anak ng mayayamang tao kaya't oras na may mangyari sa iyo'y huwag sko ang sisihin mo." Sagot pa ng judge.
"Are you threatening me judge Santillan? Alam mo bang pinapababa mo lang ang tingin ko sa iyo? You're a judge and I'm just a lawyer pero sa ginagawa mong iyan ay pinatunayan mong isa ka sa mga mambabatas na imbes na magpatupad ng batas ay ipinapanakot mo ang degree mo! Go ahaed sa mga plano mo pero ito rin ang tandaan mo judge tandaan mo ang mukhang ito na galing sa pamilya ng matutuwid na mambabatas dahil kapag ako ang namatay ikaw at ikaw ang huhuliin upang pagbayaran ang lahat!" Hindi siya nakapagtimpi kaya't nasigawan niya ito bago iniwan.
"Hala ka ate bakit hindi mo na lang kasi sinabing gusto mong magluto at ako na lang ang gumawa?" Sabi ng katulong.
"Eh baka kasi layasan tayo ng mga kaldero kapag hindi ko sila gamitin." Nakatawa pang sagot ng dalaga.
"Ay si ate naman hindi naman sa gano'n kaso tingnan mo oh sunog ang itlog paano mo makakain iyan? Gusto mong ilagluto kita ng iba?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong ng kasambahay.
"Huwag na sayang naman masarap nga eh. Pakiabot na lang ang ketchup." Sagot niya na agad ding inabot ang ketchup.
Aalis na sana siya sa kusina kaso nasulyapan ang kawaling sunog kaya't natigilan siya. Ibinaba ang hawak na plato sabay dukot sa bulsa kaso walang nakuha kaya't ang bag naman ang dinampot.

BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionGeneral Fiction/ Romance/ Drama