" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FOURTEEN
"Dahan-dahan ka lang sa pananalita mo attorney Cameron dahil sa pagsugod mo dito'y maari na kitang kasuhan." Sabi ni judge Santillan ng sugurin siya ni Garreth.
Hindi ito napigilan ng asawa, at magulang.
"Hindi ako natatakot judge Santillan dahil kilala ko ang likaw ng bituka mo. Laking pagkakamali ko lang na hinayaan kong dito pa pumasok ang anak ko samantalang maari naman siyang magtrabaho sa iba hindi dito sa munisipyo. Isusuplong mo ako? Go ahead! I don't care dahil ito ang itatak mo sa utak mo judge Santillan na magdasal ka na dahil kahit sa supreme court pa tayo maghaharap hindi kita uurungan. Judge ka tama at mas mataas ang kinalalagyan mo kumpara sa akin pero tandaan mo ang mukhang ito na kahit abogado lang kamo'y ako ang magpapataob sa iyo!" Sagot mi Garreth saka lumabas sa tanggapan ng judge na kulang na lamang ay kaining buhay ang mambabatas.
Hinintay naman ng judge na nakalabas ang ama ng mortal niyang kaaway.
And yes! Siya ang mastermind sa nangyaring "aksidente" na kinasangkutan ng dalawa. Sa posisyon nitong district attorney ay maari namang maitawag lang ang leave pero dahil sa manipulation niya'y napaaga ang pagbabalik nito sa siyudad ng Baguio at iyun ang pinakahihintay niyang panahon upang mailigpit ito. Bukod sa ito ang may hawak sa kasong illegal loggings sa buong Cordillera, ito pa ang may hawak sa kasong kinasangkutan ng anak niyang lalaki sa druga at nakabanggaan pa nito ang unica iha niya na anak niya sa naunang pag-ibig niya na walang iba kundi si Cleofie Santillan pero mas kilala sa pangalan na Cloie Hudson. Lehitimo naman itong Santillan pero mas piniling gamitin ang pangalan ng ina na Hudson kaya't bihira ang nakakaalam na ang dalagang si Cloie ay siyang panganay niyang anak.
"Magpakapagod kayong lahat sa paghahanap sa mga taong patay na. Well kung tutuusin ay wala namang kasalanan ang chef cook na iyun kaso nobya pala niya ang mortal kong kaaway na karibal din ng anak ko kaya't bagay lang iyun sa kanilang dalawa." Piping sambit ng judge.
Pagkagaling ni Garreth sa tanggapan ng boss ni Janina'y dumiretso na siya sa AGDA, ang pinsan naman niya ang namamahala doon kaya't hindi siya nahirapang pumasok lalo at pahirapan ang pagpasok ng mga tao doon.
"Oh bayaw mukhang gusto mong lumamon ng buhay sa uri ng mukha mo ah." Salubong ni Jameston.
"Hindi ako lalamon ng buhay bayaw pero baka sa unang pagkakataon ay makapatay ako pero hindi ikaw baka ako pa sng patayin ng kaskasera komg pinsan." Labas sa ilong na sagot niya.
"Oy oy ano iyan pinsan? Aba'y malapit na tayong magkaapo sa mga anak natin kaskasera pa sng tawag mo sa akin? Ano ba kasi iyang ipinagpuputok ng ulo mo diyan ha?" Agad ns sabad ni Janellah na kalalabas din sa banyo ng mismong opisna.
"Supposedly my unica iha arrives here in Baguio this morning pero walang Janinang dumating kundi pumutok ang balitang natagpuan daw ng Bontoc PNP ang sasakyan ng mamanugangin sana natin na sumalpok sa malaking kahoy pero walang tao sa loob. Ang nakakabahala doon ay duguan daw ang loob ng sasakyan." Sagot ni Garreth sa pinsan but this time kumalma na ang boses na siyang sinamantala ng bayaw niyang si Jameston.
"Sa lagay na iyan iba ang ikinauusok ng ulo mo bayaw. Let's say natagpuan ang sasakyan pero walang tao, malaki ang chance na buhay silang parehas. Pero ang tanong bayaw ay sino ang nasa likod ng pangyayaring ito? Ano ang dahilan at bigla na lamang may kaaway ang dalaga mong takot namang mambasted para sabihin sana nating mga binasted niya." Ani Jameston.
Sa narinig ay muling umigting ang panga ni Garreth. Kung hindi lang sana niya inisip na nasa munisipyo siya kamakailan ay baka naibalibag niya ang judge. Kahit may edad na siya pero kayang-kaya naman niyang depensahan ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/207747428-288-k440724.jpg)
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionGeneral Fiction/ Romance/ Drama