" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SEVEN
"Sana may kasunod pa ito Janina at sana huwag mo akong pagbawalang dalawin ka." Ilang sandali pa ay wika ni Elijah sa dalagang iniibig.
Dahil gabi na ay sa plaza na lang sila ng Baguio namasyal. Ayaw din naman niyang samantalahin ang deal nila upang dalhin ito sa mga binanggit nitong lugar. Mahal niya ito at malaki ang respeto niya dito.
"Tapatin na kita Elijah bakit mo ito ginagawa?" Deretsahang sagot ng dalaga.
"The truth? Hindi ka na nawala sa isipan ko simula nakita kita sa kasal ni Rizza at Enrico. Nakikita pa kita sa bahay nila lolo Amor kapag dumadalaw sila lalo na nitong summer na sumama ka sa kanila. Hindi lang ako makalapit dahil kasa-kasama mo sila lagi. Ayaw lo din namang basta ka na lang lapitan ng walang pasabi. It takes time bago ako nakapunta dito sa Baguio dahil noong nagkabanggaan tayo'y katatapos ng culinary class ko, sa pagsasabay natin sa eroplano'y international competition ko iyun sa Barcelona. At mas hindi agad ako nakaluwas dahil pagdating na pagdating ko'y sinalubong ako ng media. In other words mahal kita Janina at huwag mo sanang isiping nagmamadali ako pero iyan ang totoo." Tugon ng binata.
Tuloy!
Nagtanong ka kasi kaya ayan napipi na!
It takes time bago nakapagsalitang muli ang dalaga. Hindi naman kasi niya akalaing manliligaw ito. Buong akala niya'y nagbibiro lamg ito sa sinabing mamamasyal sa bahay nila iyum pala'y siya talaga ang sadya. Pinagluto pa niya ito. Kaso sa pagkakaalala niya sa ginawa dito o ang pagpapaluto niya'y napasimangot siya.
"Oh what happen Janina? May nasabi ba akong mali? Sabi ko naman sa iyo na hindi kita minamadali kaya't smile ka na diyan." Muli ay sabi ni Elijah dahil sa pagsimangot nito.
At para mapagtakpan ang kahihiyan niya dito ay pinanindigan na lamang niya ang pagkasimangot habang nagsasalita.
"Tsk tapos pumayag ka pang ipagluto kaming lahat? Aba'y kahit sunog na itlog ang ulam ko lago basta wala akong inaabalang tao." Ani 'to kaso labas sa ilong.
Kahit gabi'y kitang-kita pa rin nag maamo nitong mukha. Sa liwanag mula sa mga ilaw ay hindi niya pa rin maiwasang humanga pa lalo dito. Gandang-ganda talaga siya dito.
"Wala namang problema diyan Janina kahit araw-araw pa kitang ipagluto basta huwag mo akong pagbawalang dalawin ka." Seryosong sagot niya dito.
Out of the blue ay napangiti ang dalaga, bagay na hindi nakaligtas sa kanya kaso muli itong napasimangot.
"Oh what's wrong Janina? Ang ganda ng ngiti mo ah tapos biglang simangot?" Tuloy ay takang tanong niya.
"Eh paano ako hindi mapapasimangot eh niloloko mo ako eh. Paano mo ako ipagluluto araw-araw samantalang dayo ka lang dito sa Baguio, in other words taga Bontoc ka samantalang taga-dito ako sa Baguio. Salawahan ka naman." Ingos nito.
Marahil sa iba ay magagalit, magtatampo o baka mas higit pa doon baka magyaya na ng uwian lalo ay sabihan pang niloloko, at salawahan pero para sa kanya'y mas nakakadagdag pa ang pag-ingos nito sa angking ganda.
"Sabi ko naman sa iyo Janina hindi iyan problema dahil mahal kita. Gagawin ko ang lahat para maniwala kang mahal kitang tunay, kung ang ipagluto ka araw-araw ang makapagpapatunay na sinsero ako sa panliligaw ko sa iyo'y gagawin ko." Seryoso niyang sagot saka ito hinarap kaso nakatingin din pala ito sa kanya kaya't para silang naghahalikan sa biglang tingin.
Kaso agad itong nagbawi ng tingin, bahagya pa itong tumalikod sa kanya kaya't malaya niya itong napagmasdan.
Kaso!
![](https://img.wattpad.com/cover/207747428-288-k440724.jpg)
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Tiểu Thuyết ChungGeneral Fiction/ Romance/ Drama