Chapter 3
Nabasag ang katahimikan sa loob ng malamig niyang office nang magsalita na si Ma'am Ashley.
"What a beautiful sunset, nakakagaang ng loob alam mo ba 'yon Lance?"
Ramdam kong huminga sya nang malalim, kumbaga, humugot muna ng lakas.
Saka sya bumwelo sa pagsasalita.
"Lance gusto kitang maging syota," diretsahan niyang sabi. Walang paligoy-ligoy. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.
Napaangat ako ng ulo sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko. "Ma'am patapos na po kami sa konstruksyon, mga bukas po, o sa makalawa, tapos na po lahat. Labor lang po ako. Nasa labas po ang foreman namin." Iniba ko ang usapan. Baka kasi nanggu-good time lang siya.
"Wala akong pakialam sa building, ang gusto ko ay boyfriend. Oo Lance, hindi ako nagbibiro." Paglilinaw niya, nakuha niya siguro ang ibig kong sabihin sa paglihis kanina sa usapan.
Humarap siya sa akin.
"Seryoso ako Lance." Halata sa mukha niya ang pagka-desperado. Hindi ko alam kong bakit.
"Pero sa anong dahilan po?" usisa ko. Bigla-bigla sya. Gusto ko sanang tanungin kung nagtanghalian naba sya. O kung kumain man, ano naman kaya ang nakain niya't ganyan ang mga pinagsasabi ni ma'am. Minsan pang naisip ko kung baka may sapi sya. Pero ang ganda naman niyang may sapi.
Tumayo siya. Lumapit sa akin.
Kinabahan ako, biglang kumabog ang dibdib ko sa paglapit niya.
"DAHIL AYAW AKONG BIGYAN NG KOTSE NG DADDY KO AT MONTHLY ALLOWANCE NA 100 THOUSAND KAPAG WALA PA RIN AKONG BF!" Malinaw. Bigkas niyang parang bata. Bata na parang nagsusumbong sa magulang.
Saka siya bumalik at umupo sa ibabaw ng lamesa. Nag cross-armed. "Akala lang ni Daddy na tomboyish ako. Palibhasa hindi niya nararamdaman kung ano ang mga pangangailangan ko beyond sa mga bagay na naibibigay niya. Wala na akong mommy, tapos si Daddy, laging nasa office kaya noong bata ako halos mabaliw na ako kasi kahit anong gawin kong kausap sa mga manika ko, hindi sila sumasagot. Mahirap. Mahirap ang mag-isa Lance." May mga panaka-nakang luha ang tumulo.
"Nami-miss ko na si Mommy. Kung nandito lang sya, siguradong may kakampi ako sa mga gabi gabi kong pakikipagtunggali sa mga kalungkutan ko. Tanging mga manika lang ang karamay ko noon. Ngayon, puro mga katulong naman. Pero, mas masarap na ang kasama mo ay ang Mommy mo."
"Ma'am?"
"No, okay lang ako." Sabay kaway ng kamay niya sa akin nang akmang lalapitan ko siya.
"Kaya nang nagka-isip, kinailangan kong maging matatag at malakas. Wala e, wala akong matatakbuhan o masusumbungan. Walang parents e." Pupunas-punas ng luha si Ashley.
"Ma'am kasi, hindi ko po magagawa 'yon, pasensya na po." Hindi sa ayaw ko. Kasi kung seryoso siya at tinanggap ko, sa huli, ako pa rin ang masasaktan dahil ang intensyon lang naman niya ay gawin akong panakip butas, props para makuha ang gusto niya. Syempre, tao lang ako, lalaki, imposibleng hindi ako umasa at lalong ma-inlove.
"Aba, chossy kapa! Huwag kang mag-alala, babayaran naman kita eh!"
"Ma'am Ashley, kasi baka pagtawanan ako ng Daddy mo kapag iniharap mo ako, lalo na ang hitsura ko, saka parang hindi ko po kayang magkunwari!"
"Of course not, you'll undergo changes para naman 'di ka mapahiya kay Daddy." Nakapamewang na sya, nakarekober na siguro sya mula kanina.
"Ma'am naman. Maraming pang iba dyan. Mas bagay po kaysa sa akin. Nakakahiya po talaga, pasensya na po, pero hindi ko matatanggap ang offer mo."
"Wag ka nang umangal. Sasahuran naman kita ng malaki, kapalit ng serbisyo mo. Saka mga Anim-Pitong buwan lang naman kitang hihiramin e. Pagkatapos noon, pag nakuha ko na ang allowance ko Goodbye. Kanya-kanyang buhay na tayo."
May kumurot sa puso ko. Pagtapos, wala na, kanya-kanyang buhay. Parang ang hirap nang ganoon. Hindi ko kaya. Maski na may sahod, kung ang kapalit naman ay sugat sa puso na hindi naghihilom.
Hindi nababayaran ng pera ang damdamin.
Kahit naman siguro matapos na ang trabaho ko sa kontrsuksyon, ay hindi ako mawawalan ng pera, makakahanap naman ako ng ibang sideline. Magsisipag ako.
Mas maganda na ang masaktan na ako ngayon kesa alam kong dahan-dahan akong naluluto sa sariling mantika na umaasa sa isang pangarap na mahirap abutin. Pangarap na kilometro ang layo sa akin.
"Bentemil ang sahod mo sa akin kada buwan. Package na iyon." patuloy ni Ma'am. "Please naman Lance."
Talaga!? Tama ba ang pandinig ko? Bentemil? Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakagulat! Imposibleng mangyari ang ganoon. Ang laki-laki nun.
Pero hindi pa rin ako nagpadala sa laki ng offer niya sa akin.
"Isang tanong nalang po, wala po ba kayong bf, at bakit ako ang napili niyo sa dinamirami ng tao sa mundo?" parang puno ng misteryo ang buhay niya. Kaya gusto kong malaman.
Talagang hindi pala siya gutom o may sapi o kung may ano pa mang nakain. Seryoso. Para sa allowance niya. Makuha lang.
"Halata ba Lance? Kung may bf lang ako, hihiramin pa ba kita?" Dumilat ang mata niya saka huminahon at nagpatuloy sa sinasabi niya.
"Una dahil mas komportable ako sa'yo sa inyo. Kayo kasi ang lagi kong kasama at kausap dito. Pangalawa, dahil alam kong mabait at hindi mo ako aabusuhin, alam kong mabuting tao ka Lance. At huli dahil hindi ka naman talaga mukhang mahirap. Sa hitsura ma palang, magkaroon kalang ng kaunting make-over, magmumukha kanang tao."
"Ganoon po ba Ma'am, salamat po sa alok niyo, pero magsa-sideline nalang po ako kaysa maging kunwaring syota niyo. Salamat po sa oras at magandang hapon po." Saka ako tumalikod, tuloy-tuloy palabas. Habang palabas ako, naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko. Napuwing ata ako.
"O, anong ganap Lance?" bungad sa akin ni Mang Kadyo na nakasukbit na ang bag. Byernes ngayon at alas-kwatro na. Uwian na. Lingguhan kasi ang uwi namin, kaya 'yong iba, excited kapag Byernes, dahil makakasama muli nila ang kani-kanilang pamilya. Syempre, isa na ako doon.
"Wala ho, Mang Kadyo. Hindi gaanong ka-importanteng mga bagay lang po."
"E, ba't namumula iyang mga mata mo?"
"Napuwing ho ata. Alam mo na, maalikabok," sabay ngiti kong pilit.
Naghugas na ako ng katawan. Inayos ang sarili at mga gamit saka sumabay sa mga kasamahan ko palabas ng konstruksyon.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.