Chapter 14

120 2 0
                                    

Chapter 14

Anim na oras na ang nakalipas. Dumating si Sir Felipe. Pinalitan niya ako na puro idlip lang ang pahinga.

Please play the song ⇨
Credits to the owner.

♪Take me out of the Dark♪

Dumiretso ako sa maliit na kumbento katabi ng hospital building. Bihira lang ako kung magsimba pero laging nasa isip ko ang panginoon. Dahil ang tahanan niya ay ang puso ng bawat nananalig sa kanya. Yon ang paniniwala ko.

Lumuhod ako sa loob.

Mabilis na tumulo ang luha ko.

Tumingin sa altar.

"Wala ka pala e."

"Akala ko ba lagi ka sa tabi ko? Nasaan ka noong kailangan kita? Kinuha mo ang Papa ko, sunod si Junjun. Pati ba naman si Ashley kukunin mo rin?"

"Kunin mo nalang din kaya ako?"

"Hirap na hirap na ako. Pagod na ako, tuyot na ang mga mata ko sa kakaiyak."

"Walang ibinigay na pagsubok ang panginoon na hindi napagtatagumpayan ng isang tao." may nagsalita sa likod ko.

"Marami ka mang hiningi na hindi niya naibigay, mas marami naman siyang ibinigay na hindi mo hiningi." hinawakan niya ako sa balikat. Nasa likod ko siya.

"Tandaan mo, hindi nakakalimot si God sa mga tao. Dahil tao ang lumalayo sa kanya."

"Ang lahat ay nangyayari pabor sa panginoon dahil siya ang direktor ng buhay natin at tayo ay actors. Everything happens for a reason. All you have to do is to accept things as it is. God has always good plans for us."

Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa nakakasilaw na liwanag. Nakasuot siya ng maputing tela.

"Anak, acceptance. Walang hindi ginusto ang panginoon para sa atin tungo sa ikabubuti natin."

Natulala ako sa kanya. Natauhan. Naliwanagan. Hindi na nga ako nagsisimba kinalimutan ko pa sya.

"Lord, sorry po." tumingin ako sa altar.

"You've been forgiven anak. God always forgives those who repented unto him."

"Sino po kayo?"

"Hindi 'yon importante, ang mahalaga ay ipinadala ako ng direktor para ma-realize mo na hindi ka iniwan ni God. Basta tandaan mo, laging may magandang plano ang panginoon sa atin."

Saka siya tumayo at naglakad paalis.

"Sandali, pari po ba kayo?" tanong ko.

Lumingon sya, ngumiti at saka nagsalita, "ikaw." Saka naglakad palayo. Hanggang sa tuluyan siyang nilamon ng nakakasilaw na liwanag.

Sino siya?

Bumalik ako ng Hospital.

Sinalubong ako ni Sir.

"Lance," niyakap niya ako. "Gising na si Ashley."

"Talaga ho? Baka nanaginip lang ako."

"Hindi. She just woke up."

"Inaasikaso na siya ngayon ng mga doktor."

Niyaya ko muna siya na umupo sa lounge. Habang naghihintay sa resulta mula sa mga doktor.

"Sir—tito. Gusto daw po pala kayong kausapin ng doktor."

"Ah, nagkausap na kami. Lance, yon ang gusto kong sabihin sa'yo kaninang madaling araw."

Greatest soldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon