Chapter 12
"Good evening ma," saka ako nag-mano sa kanya.
"Kaawaan ka ng Diyos. O, bakit basang-basa ka anak? Saan ka galing?"
"Naabutan po kasi ako ng ulan ma, sakto din, wala akong dalang payong. Haha." pilit kong tawa. Pilit itinatago ang sakit sa dibdib ko.
Papasok na ako ng banyo nang magsalita si Mama. "Lance nandito ang mga kaibigan mo kanina, kinakamusta ka. Bakit daw hindi ka na nadalaw sa kanila. Baka gusto mong dalawin, baka magtampo na sila sayo, akalain porke't mas nakaka-angat kana sa kanila e, 'di mo na sila pinapansin."
"Bayaan mo po ma, minsan dadalaw ako sa kanila, makabawi man lang."
Dalawang araw akong tambay sa bahay. Wala na kasi akong masyadong gagawin. Via phone ko na lang din tsini-tsek ang mga negosyo ko.
Biglang pumasok sa isip ko sina Mang Kadyo. Agad akong nagbihis. December 15 pala ngayon, birthday ni Mang Kadyo.
"O, Lance buti at napadalaw ka, akala namin kinalimutan mo na kami ng mga kasamahan mo e."
"Naku naman mang Kadyo kayo pa e, araw araw ko kayong inaalala e, ito ho regalo ko. Happy birthday."
"Sus, nag-abala kapa. Salamat na rin. Hehehe."
"Nariyan ka na naman sa palusot mo Lance e, hali na't mag inuman muna tayo" sabi ni Banjo.
"O sige ako ang taya" sabi ko.
"Ba, ayos. Makakatipid tayo neto." ika ni Mang Kadyo.
"Wala e, asinsado na. May Ashley pa." sabad ni Banjo.
"Banjo." sita ni Mang Kadyo, alam kasi nila na nirentahan lang ako ni Ashley.
Ngumiti lang ako bilang tugon ayokong magpa-apekto at ma typecast na bitter.
"O, hinihintay natin? Pasko? Tagay na!" sabat ng isa pang lalaki.
Napasarap ang inuman namin. Inabot ako ng madaling araw sa inuman. Hindi ako masyadong nagpakalasing dahil may mga small business pa akong aasikasuhin kinabukasan. Iwas hang over na rin ba.
Maga-ala una na nang dumating ako sa bahay. Gising ang lahat pati si Mama. Maliwanag ang ilaw. Aninag sa mukha nila ang pag-alala.
Pumasok ako, "o, Ma, bakit gising pa po kayo. Gabi na masyado ah?"
Tumayo siya. "San ka ba nanggaling iho at di ka man lang nagpa-alam?"
Napahawak ako sa batok. "Pinuntahan ko po sila Mang Kadyo, yun nagkainuman po kami. Hindi na ako nakapag-paalam, wala ho kasing tao sa bahay nang umalis ako."
"Sa tingin mo wala ka bang nalilimutan?" pang-uusisa ni mama.
"Wala naman, bakit po?" balik tanong ko.
"Si ate Ashley kuya." sagot ni Minareth.
Paano ako makakapag moved on nito kung lagi nilang binabanggit ang pangalan ni Ashley? Kaya lalong sumasakit ang sugat sa puso ko e. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na wala na kami. Na tapos na ang kontrata.
Sa gitna ng pag-iisip ko, biglang may nag-flashback sa isipan ko.
★flashback, four days before★
"Lance, alam mo ba yong simbang gabi?" tanong ni Ashley. Nasa bench kami sa baywalk. Hindi sunset ang oras na iyon, ayoko kasi ng sunset. Namahinga lang kami kasi nahihilo daw siya.
Sa hindi kalayuan mula sa kinauupuan namin ay isang simbahan.
"Oo, pero sa simbang madaling araw. Hindi naman kasi gabi ginagawa ang misa e."
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.