Chapter 8
Dalawang linggo na ang nakararaan, nang mamatay si Junjun. Hanggang ngayon, tuwing naiisip ko siya, hindi ko maiwasan ang maluha na lang bigla. Mabait na bata si Junjun. Napakarami pa naman niyang pangarap sa buhay.
Bakit kaya siya pa. Saka, huli na rin pala nang maisugod namin siya sa hospital, malala na ang sakit niya. Mabuti at hindi kami iniwan ni Ash na siyang sumalo sa lahat ng gastusin sa ospital at pagpapalibing ni Junjun.
Tapos na rin ang trabaho sa konstruksyon. Hindi ko pa nababayaran si Ashley sa mga utang ko sa kanyang pera at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok at paniniwala sa maykapal sa panahong lugmok kami at salat sa lahat.
Pero siya na naman ang kasama ko ngayon sa isang bar. Isinama niya ako para naman, kahit panandalian lang ay mawala ang sakit sa loob ko sa nangyari kay Junjun.
"Cheers!"
"Cheers, Ash."
"Salamat talaga Ash."
"Wala yon."
"Ash, nagbago na ang isip ko, papayag na akong maging bf mo."
Ngumiti sya, "huwag na, maghahanap nalang ako ng iba, or I might use some tricks para makuha ang allowance ko."
"Ha? Ash, b-bakit? Payag na ako. Ikaw naman ang ayaw. Naguguluhan ako."
"Ayaw ko kasing isipin na kaya ka pumayag ay dahil napipilitan ka lang. Na dahil gusto mo akong bayaran."
Napatigagal ako. Hindi ko iyon naiisip. Ang nasa isip ko kasi ay kung paano ko matatapos ang pagiging bf sa kanya nang hindi ako mahuhulog. Sa ganda niya.
"Pero Ash, yon lang ang tanging paraan para makabawi ako sa'yo. Napakarami na ng utang ko sa'yo, hindi lang sa pera kundi pati sa mga simpatya mo."
"Yon na nga, mas maiisip ko pang balato ko nalang sa'yo ang mga naitulong ko, kesa sa tinatanaw mo itong isang utang na loob." Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil ito. Ngayon ko lang nahawakan nang husto ang kamay niya.
"Cheers!" Sabay taas niya ng baso. Sumunod naman ako.
"Ash. Please, pagbigyan mo na ako. Kahit 'wag mo na akong bayaran. Sige na please," pagsusumamo ko sa kanya.
Lumagok pa siya ng ilang baso ng alak.
Tumingin sa akin saka ngumiti.
"Sige na nga," sabay lahad niya ng kamay. "deal?"
"Deal," sagot ko.
Humanda ka nang masaktan Lance, masakit tong pinasok mo. Bulong ko sa sarili saka lumagok pa uli ng isang baso ng beer.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.