Chapter 13
Pinuntahan ko ang hospital kung saan naroon si Ashley.
Nakita ko sa bungad si Sir Felipe. Ang Daddy ni Ashley. Nagdalawang isip ako. Baka sisihin niya ako. Sumbatan, ayawin ipakulong o baka ipa-assassinate. Nag-iisang anak lang niya si Ash.
Pero mas pinili kong harapin ang consequences na maaaring mangyari.
Nilapitan ko siya.
"Sir," tinapik ko siya sa balikat.
"O, Lance" yumakap sa akin si Sir. Nagulat ako, akala ko aayawin niya ako.
Pansin ko ang paghikbi niya. At napaiyak na rin ako .
"Lance, dumating na ang kinatatakutan. I'm afraid to lose her." para siyang batang umiiyak.
"No, don't lose hope, she'll be fine soon."
Sabay kaming umupo sa gilid ng hallway.
"Sir."
"Tito nalang."
"Tito, ako po ang dapat sisihin. May usapan po kasi kami, kaso kinalimutan ko."
"Wala kang kasalan. Lance. Lahat ng tao nagkakamali, nakakalimot—unintentionally."
"Pero paano po kayo? Si Ashley? Dapat po akong sisihin. Kasalanan ko."
"Lance, alam mo ba na ang most-real at most beautiful na psalm ay isinulat ng isang adulterer at mamamatay tao? Yet he was forgiven by God. So why not me? Tao lang ako."
"Pero tit-"
"Psalm 23." yumuko nalang ako. Pareho kaming nakaupo sa gilid ng emergency room.
Sumandal siya sa pader. "Lance, alam mo ba noong nakaraang araw, umuwing basa si Ashley. Pumasok siya sa kwarto ko, basang-basa. Ang sabi niya, mahal na mahal ka daw niya. Kaso nahihiya siyang umamin."
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Malakas na malakas. Sumisigaw at nagwawala sa tuwa. Ashley, sabi ko na e.
"Lance, hijo, from that napagtanto ko, talagang malaki na nga ang ipinagbago niya. Dalaga na talaga ang anak ko. Wala akong ibang hiniling kundi ang mapabuti siya at maibigay ang lahat ng luho niya, kaya nagpursige ako na magtrabaho at mailagay sa tamang pwesto ang kompanya na higit
dalawang dekada ko nang itinataguyod."
"Sir-."
""Tito, hijo."
"Tito, malaki na po talaga si Ashley, pero hindi karangyaan ang gusto niya Kundi isang pamilya na hindi niya naranasan sa buong buhay niya. Nakatuon po lagi kayo sa luho niya, kaya nakalimutan mo na ang family ang pinakamagandang bagay sa mundo."
"Tama ka Lance, naalala ko tuloy sa'yo ang kaibigan ko. Sabay na sana kaming papasok sa kumbento noon nang sabay kaming makabuntis. Naudlot ang plano namin. Kaya nagpatuloy nalang siya bilang columnist at ako naman sa business."
"Kaya ngayon po, ipadama mo na sa kanya ang lahat bago pa mahuli ang lahat."
"Sana ganoon lang kadali Lance, kung alam mo lang sana kung gaano kabigat ang problema ko beyond what you already know."
Naputol ang usapan namin nang lumabas ang doktor.
"Doc how's Ashley?" tanong ni tito.
"Malakas ang pagkabagok ng ulo niya bukod sa ilang mga saksak, at ang problema Mr., your daughter is suffering from anoxic brain injury and we are doing MRI to atleast try to detect the level of neurological disability of your daughter for survival."
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.