Chapter 11
Matapos makuha ni Ashley ang pera at kotse, isinama niya ako sa isang linggong bakasyon sa iba't ibang ibang lugar dito sa bansa bago namin tapusin ang usapan. Aniya siya na ang bahala sa mga susunod na mangyayari kapag hinanap uli ang bf niya ni Mr. Felipe.
Sulit ang pagod ko ng halos kalahating taon. Dahil sa dami ng mga naipundar ko. Nakapag-enroll na din si Mingkay sa college. May bago na rin kaming tinutuluyan. Sobra-sobra na ang natatanggap ko. Higit pa ito sa mga pinangarap ko.
Please play the song⇨
♪Thinking Out Loud
by Ed Sheeran
Credits to the owner.
Sa kotse...
Wala nang mas nakakailang pa sa postura namin ngayon ni Ashley. Sakay kami ng bagong volkswagen niya. Saan papunta? Pauwi sa bahay namin. Sa lugar kung saan ako nagmula.
Tapos na ang usapan namin. Nirentahan lang naman niya ako e. Bilang kapalit ay babayaran niya ako. Ganoon lang, wala nang dapat na lumampas pa sa usapan. Trabaho lang kumbaga, walang personalan.
Walang sinoman ang umiimik sa amin. At wala din ni isa sa amin ang naglakas loob na basagin ang katahimikan. Focused si Ashley sa pagmamaneho habang sa window glass naman ang tingin ko. Tinatanaw ang kahit ano pero ang nasa isip ko ay si Ashley, na kanina pa tumatakbo sa isipan ko. Hindi ba siya napapagod?
Huminto ang kotse. Kasabay ng paghinto ng mundo ko sa pag-inog kay Ashley. Ang katapusan ng kontrata ay katapusan na rin ng parte ng buhay ko sa kanya. Ewan ko ba, napaka-emo ko ngayon.
Binuksan ko ang pinto. Dala ang maliit na bag. Walang sabi sabi akong lumabas.
Hinawakan niya ang kamay ko, "Salamat, Lance," saka niya binitawan.
"Ako ang dapat magpasalamat " sagot ko na hindi man lang siya nilingon. Tuloy tuloy ako sa paglakad. Walang lingon sa kanya.
Unti-unti akong nakadama ng pamamasa sa mukha ko. Nakakaasar, kahit sa gabi napupuwing ako. Pinunasan ko ito. Lumalabo kasi ang paningin ko gaya ng paglabo ng buhay ko.
Pero kahit pawiin ko ang mga basa sa mukha ko, hindi ito nawawala. Mas lalong dumami, saka bumuhos ang malakas na ulan. Umismid ako, "langya'ng luha, nagtawag ng back-up. Tss."
Tumigil ako saka tumingin sa malungkot na langit. Walang patid ang pagbuhos ng ulan. Basa na ako.
Pero mas ramdam ko ang sakit sa puso kaysa sa basa kong damit.
Tumigil ang buhos ng ulan—sa pwesto ko.
"Ano ba'ng problema mo?" si Ashley pala. May dalang payong at garalgal na nagsalita.
"Bakit parang hindi ka masaya. Hindi ka ba kuntento sa binigay ko?" garalgal niyang usad. Hindi ko siya nilingon.
"Kulang pa ba ang sahod mo? Ang mga nakuha mo? Gusto mo ng dagdag? Dadagdagan ko. Magkano sabihin mo! Ibibigay ko! Hindi yong basta kana lang nang-iiwan sa ere!" patuloy niya.
Hinarap ko siya. "Ikaw. Ikaw Ashley ang problema ko. Hindi pera ang gusto ko kundi ikaw! All these months wala akong ginawa kundi ang umiwas na mahulog sa'yo. Pero wala kang ginawa kundi akitin ako. Ang puso ko!" garalgal kong sagot.
"Unintentionally 'yon Lance!" umiiyak niyang paliwanag.
"You mean it!" sagot ko na walang patid ang buhos ng mga luha.
"Wala akong alam sa sinasabi mo!"
"I fell inlove with you Ash. Alam mo ba yon?"
" Hindi ko nga alam!"
"Pwes ito!" saka ko siya hinalikan sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, nabitawan niya ang payong. Pareho na kaming basa sa ulan.
Slow motion na naman ang lahat. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang malambot na mga labi ni Ashley.
Okay naba? Mahal din ba ako ni Ashley? Magiging kami ba? May pag-asa?
Pero agad natigil ang mga agam agam ko sa isipan. Dahil inilayo ni Ashley ang mukha niya saka ako sinampal nang malupet. Nagulat din ako. Napahawak ako sa mukha ko.
"Manhid kaba Lance?!" humagulhol siya. "Hindi ikaw ang gusto ko! Hindi ang kung sinong lalaki pa man sa mundong ito. Dre, hindi tayo talo."
"Wag mo akong lokohin Ash." saka ko siya hinalikang muli. Umatras uli siya.
"Pre, hindi nga tayo talo!"
"Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong masaktan ka. Dahil alam mong wala kang matatakbuhan, wala kang Mommy, at busy ang Daddy mo. Walang magko-comfort sa'yo."
"How rude of you Lance?"
"Rude na kung rude, Ash, naalala mo ba ang mga sinabi mo sa akin noon? Sa ospital? Wag mong solohin ang mga problema mo. Kailang may kasangga ka. Tutulungan kita."
"Nagbago kana Lance, hindi na ikaw ang una kong nakilalang si Lance na may respeto sa tao. Na iniisip muna ang iba bago ang sarili niya."
"Ikaw ang bumago sa akin Ash, kung ano ako ngayon ay ganoon ka. Imitation mo lang ako. Ikaw ang humubog sa akin sa kung saan at ano ako ngayon Ash. Mahal kita."
Tumingin lang sya sa mga mata ko. Hindi sya nagsasalita puro hikbi lang ang ginagawa niya.
Nilapitan ko sya. Saka niyakap. Hindi naman siya pumalag. "Ashley, sabay tayong aagos sa mga pagsubok ng buhay mo. Kasangga mo ako."
Hindi sya nagsalita. Lalo lang siya humagulhol saka hinigpitan ang yakap sa akin.
"Magkaiba ang awa sa pagmamahal Lance, naaawa ka lang sa akin. At alam kong mahal mo ang katawan ko at hindi talaga ang pagkatao ko." saka sya bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Tuloy ang paglakad niya patungo sa kotse.
Lumingon pa siya saglit sa akin bago tuluyang pumasok sa kotse niya.
Nakatigagal akong pinagmamasdan siya papasok sa volkswagen. Nanghihina ako. At huli na nang maramdaman kong bumagsak ako paluhod sa panghihina ko. Nakaluhod akong tinitingnan ang papalayo niyang sasakyan. Patuloy naman buhos ng ulan at ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.