Chapter 5

135 2 3
                                        

Chapter 5

Papasok na kami sa looban. Gaya ng inaasahan ko, na'kay Ashley lahat ang tingin ng lahat. Pero dahil kasama ko sya. Binabalewala sya ng mga tambay doon, kilala na kasi ako doon.

"Halika, sa taas pa tayo." Aya ko kay Ashley, papanhik sa bahay. Nasa ikatlong palapag ng barung-barong ang bahay namin.

"Ha? Baka bumagsak tayo."

"Hindi 'yan. Mas magaling pa sa mga tunay na engineer ang mga gumawa nito." paniguro ko na may halong pagyayabang.

Dahan-dahan siyang pumanhik. Sinisipat at sinisiguradong hindi marupok ang bawat baitang. Maingat siya.

Papasok na kami sa loob. Hindi sya magkandatuto sa pagpasok sa maliit naming pintuan.

"Kuya!" Bati ng bunso namin, saka humalik sa akin. "Kuya, asan pasalubong ko?"

"Eto o." Ibinigay ko ang pasalubong na dosenang donut.

"Dami nito kuya ah."

"Bigay 'yan ng boss namin."

"Talaga?"

Sumilip sa likod ko si Ashley saka kumaway.

"Hello," ngiti niyang wika.

"Sino sya kuya? Kuya mag-aasawa kana? Iiwan mo na kami?" Umiyak bigla si bunso at akmang susugurin si Ashley.

Inawat ko sya, "sandali, sandali nga bunso. Wag kang ganyan ha! Bisita natin sya, hindi kami magsyota. Umayos ka."

Nahimasmasan sya nang sabihin kong hindi kami ni Ashley.

"Sorry po."

"Okay lang, ako pala si Ashley, ikaw anong pangalan mo?"

"Ako po? Ako po si Jello."

"Wow, bait naman ni Jello." Hinimas niya ang ulo ni Jello.

"O, tama na yan. Pasok na tayo sa loob." sabat ko sa dalawa.

Lumabas sa kwarto si Mama. "O, Lance, ikaw pala. Si Junjun. Mataas ang lagnat. pabalik balik nga e. Noong lunes pa 'yan. isang linggo na siyang absent sa eskwela." bungad ni Mama.

"Ganun ho ba? Nakainom na po ba sya ng gamot?"

"Hindi pa, pinabili ko pa dyan sa kanto si Mingkay." si Mingkay ang sumunod sa akin, graduating na sya sa college, kaya dagdag kayod ako dahil pangarap kong makapag-college sya. Dalawa ang babae sa amin, sa Mingkay ang sumunod sa akin, tapos si Juji, first year high school. Tatlo naman kaming lalaki. Ako syempre, tapos 'yong sumunod kay Juji na si Junjun na grade six, at si Jello na siyam taon.

"Magandang gabi po." singit ni Ashley sa usapan namin ni Mama.

"Magandang gabi din, o Lance, may bisita pala tayo." "Juji, halika rine, may bisita tayo, mangutang ka muna ng tinapay at softdrinks doon kay Bebang, mirienda natin sa bisita."

Lumabas si Juji mula sa kwarto, galing kay Junjun.

"Wow may bisita? Sino?"

"Wag kanang magtanong, usapang matanda ito. Sundin mo nalang pinagagawa ko."

"Maupo ka muna iha. Nimfa ang pangalan ko." alok ni mama sa sofa naming sira-sira.

"Ashley ho ang pangalan ko. Tita Nimfa." saka sya umupo. Habang paupo si Ashley ay patuloy ang libot ng mga mata niya sa bahay namin. Hindi niya napansin na dugtong-dugtong lang na kahoy ang papag namin, at sa dulo sya umupo kaya nawala sya sa balanse. Lagapak sya sa sahig.

Hagalpak sa tawa si bunso habang puno ng donut ang bibig niya. Napatawa nalang din ako.

"Ayos kalang ba Ashley?" tanong ni Mama .

"Ayos lang po." nakangiti niyang tugon, sabay lahad ng thumbs up na daliri para sabihing okay lang sya.

Nilapitan ko sya at tinulungang itayo. Halata naman kasing hindi sya okay.

♪Toktoktok!♪

"Ano 'yon? May pintuan paba kayong nakatago." usisa ni Ashley.

"Mga tao sa ilalim, nag-ingay ka kasi sa lapag." paliwanag ko.

"Ganoon ba? May boarder pa pala sa ilalim nyo? Sorry ha."

"Okay lang, meron pa sa likod, sa gilid at sa taas, dingding lang na manipis ang pagitan namin sa mga kapit-bahay."

"Ma, ito na po 'yong gamo—." hindi natuloy sa pagsasalita si Mingkay nang mapansin niya si Ashley. Tiningnan niya ito nang masama. Saka tumitig sa akin. Galit sya. Dumiretso sa kwarto.

Naipangako ko kasi sa kanila na hindi ako makikipag-relasyon hanggang hindi ko sila napapatapos sa pag-aaral. At dapat ganoon din sila. Kailangan naming magsumikap. Ganoon ang tingin ni Mingkay sa akin, paniwala niya ay binali ko ang mga pangako namin sa isa't-isa.

"Mingkay!" tinawag ko sya. Pero hindi sya sumagot.

"Mingkay, ano ba!?"

Sinundan ko sya sa kwarto.

"Mingkay bakit ganoon ka sa bisita ha?"

Umiiyak siya. "Wala ka pala kuya e. Hindi ka tumutupad sa usapan!" garalgal niyang ika. "Akala ko ba walang syotaan? Tutulungan pa natin ang mga kapatid natin diba? Si Mama. Kita mo naman, maniha na si Mama, hindi na dapat sya nagpapagod."

"Mingkay pwedi ba, hindi ko syota si Ma'am Ashley, siya ang boss namin."

"E ano? Hindi naman kami mga engot kuya e. Isang lalaki at isang babae na sinama sa bahay, magkaibigan lang?"

Hagulhol ni Mingkay.

"Bakit ba ayaw mong maniwala!? Wala nga kaming relasyon. Puro kayo tamang hinala e. Problema sa inyo e."

"So, anong gusto mong isipin namin? Magkunwari na bisita lang talaga sya wala nang iba pang relasyon bukod doon? At kung ganoon nga, pasasaan pa't hindi magtatagal ay doon din ang punta. Mali ba ako, ha, kuya? Sabihin mo."

Napatigil ako. Akma ko syang sasampalin.

"Sige kuya, sampalin mo ako, dahil ba sa sinabi ko ang totoo!? Paano kami maniniwala sa isang tao na siya mismo ay hindi kayang disiplinahin ang sarili?"

Pinigilan ko siyang sampalin, imbis ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko naiwasan ang mga luhang tumulo sa akin.

"Hindi, hindi ko kayo iiwan Mingkay, yayaman pa tayo diba? Mag-aaral kapa sa college. Ano nga yong kurso mo? Gusto mong maging teacher diba? Tapos ako ang una mong magiging estudyante diba? Kasi ako naman ang papaaralin mo, diba, Mingkay?"

"Excuse me," sumunod pala sa amin si Ashley, "bawal ba ako dito? Pwedi naman akong umalis e. Actually, paalis na nga talaga ako e." Garalgal na sabi ni Ash.

Hindi sumagot si Mingkay, humikbi lang sya at tumitig ng masama kay Ashley.

"Wala 'to Ashley. Hindi mo kailangang umalis."

"Pwedi kanang umalis."

"Mingkay, ano ba!?"

"Hindi, okay lang na dumito ka Ma'am Ashley." Pilit kong ngiti sa kanya.

Greatest soldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon