Chapter 6

104 1 0
                                    

Chapter 6

"Pa? Papa!? Sama ako!" natigil kami. Nagsasalita nang tulog si Junjun. "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan." patuloy si Junjun. Nilapitan ko sya. Grabe ang pawis nya.

"Junjun? Ayos ka lang ba?"

"Pa? Papa!? Papa!? Sandali hantay, sama ako."

"Junjun, wala na si Papa." bulong ni Mingkay kay Junjun.

"Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Green!"

Hinawakan ko sya. Shit. Ang taas ng lagnat ni Junjun.

"Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Green!" Paulit-ulit si Junjun.

"Sandali, kukuha ako ng tuwalya." sabi ni Ashley.

Ilang saglit ay naroon na sya. May dalang basang tuwalya.

"Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Green!"

"Shocks, ang taas ng lagnat nya. Ayan punasan mo sya sa mga singit niya." utos ni Ashley kay Mingkay, balisa namang ginawa ni Mingkay ang pagpupunas ng basang tuwalya sa mga singit ni Junjun. Nakalimutan niya ang galit pansamantala.

"Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Green! Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Green!" paulit-ulit pa rin si Junjun. Saka sya biglang dumuwal.

"Isa.. dalawa. Tatlo! Patay! Blue! Red! Greeeeeeerrrrrrr!"

Biglang tumirik ang mata ni Junjun.

"Jun? Junjun?" tinapik ko ang mukha niya, nanginginig ang katawan ko. Naluluha ako.

"Junjun!? Wag mo kaming iwan!" sumigaw si Mama saka nag-iiyak.

"Greeeerrrrr!" patuloy sa panginginig si Junjun.

"Lance, madali ka, tumawag ka ng ambulance, dadalhin natin sya sa ospital." si Ashley.

"Ha? Walang ambulansya dito at wala ng sasakyan ngayon!"

"Gumawa ka ng paraan!"

"Wala kaming pampa-ospital."

"Saka mo na nga isipin ang pera, importante ang buhay ng kapatid mo!" umiiyak ang mga tao sa loob ng kwarto.

Agad akong bumaba ng bahay, nadulas pa ako sa hagdan pero hindi ko na iyon pinansin ang importante ay si Junjun.

Saktong nasa labas ang tricycle ng kapitbahay namin. Nahiram ko ito. Tulong-tulong ang mga kapitbahay namin na binuhat si Junjun.

Habang binubuhat namin si Junjun, parang bumagal ang galaw sa paligid. Kita ko ang maputla at nanlulupaypay na si Junjun.

Dahil sa nakita ko lalo akong nawalan ng lakas, lalong sumikip ang dibdib ko, pati ang lalamunan ay nananakit na parang may bumabarang masakit sa lalamunan ko, ang aking birthday boy, ano ang nangyari sa'yo?

Nahirapan kaming makadaan ng maayos sa rami ng mga usi(sera) naming mga kapitbahay. Nang maisakay na si Junjun sa loob, sumunod si Mama at si Ashley. Ako naman sa likod ng tricycle saka ito humarurot papunta sa pinakamalapit na hospital.

Greatest soldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon