Chapter 10

117 2 0
                                    

Chapter 10

Ito na ang pikahihintay namin. Ang ipakilala ako ni Ashley sa Daddy niya.

Suot ang magarang coat at V-neck shirt naman sa loob at jeans naman na pantalon. Isinama niya ako papasok sa isang matayog at mataas na bilding. Suot naman niya ay isang dress na kulay pink.

"Good morning Ash!" bati ng mga tao na nakakasalubong niya sa loob.

Walang mapagsidlan ang kaba ko. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Kung ano ang magiging impresyon sa akin ng Daddy niya. Baka nakakatakot na lumalamon ng mga taong pakiwaring gitnang uri tulad ko.

Pero hindi ko naman to ginusto e. Napasok lang talaga nang wala sa oras.

Bumalik ang ulirat ko nang huminto kami sa isang matikas at sosyaling pintuan. May label sa taas nito. Felipe Alfaro III conference room.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ash, nagme-meeting ata Daddy mo e."

"Wag kang mag-alala Lance, leave it to me," sabay kindat niya.

Ashley naman, you're so! Grr! Pinigilan ko ang sarili. Lintik na kindat 'yan! Ngumiti ako bilang tugon sa rare niyang kindat.

Binuksan niya ang pinto, walang katok katok. Walang pange-excuse na ginawa.

"At this point in time, our company's profit's quiet high compare to the first and second quarter of the yea..."

Natigilan ang nagsasalita sa harap. At lahat sila na mga naka-upo sa isang oblong na mesa ay nakatingin sa amin.

"Darling please, not now. We have a little convocation right here, we are discussing about our business," pagmamakaawa ng isang matabang lalaki na balbasin ang mukha may salamin at naka-coat and tie. Naka-upo siya sa dulo ng mesa.

"Daddy? Lagi nalang bang ganito? Business. Business. Business!" lumapit siya sa mesa, kinuha ang mga folder, mga papel saka ipinanghagis.

Sinubukan siyang pigilan ng mga tao sa loob, pero nagsalita ang lalaki na sa tingin ko ay Daddy ni Ashley na hayaan siya sa ginagawa niya. Hindi magkandatuto ang mga tao sa pagsalo at pagpulot ng mga nagliliparang papel.

"Business! Daddy! Business! Buti pa sa kanila may time ka. How about me? All these years! I live my most horrible life with no mother no father dahil ang nasa isip niya ay pera. Pera! Daddy kailan mo mare-realize na may isang kapamilya kapa? Kapag wala na ako? When I got there and joined mom!?" turo niya sa langit. Luhaan siya.

"Colleagues, I guess we have to re-schedule this meeting. Something has to be settled down right now. It's a matter between me and my daughter." kinawayan niya ang isang lalaki. Binulungan niya ito nang lumapit saka tumango.

Pinangunahan ng lalaki ang mga tao sa loob na lumabas ng malamig na kwarto.

Naiwan kaming tatlo sa loob. Nakabibingi ang katahimikan. Tumayo ang Daddy ni Ashley. Hinarap ang transparent window glass. Pinagmasdan ang takip-silim.

Umiling ako. Ayokong nakakakita ng takip-silim.

Tumakbo si Ashley saka niyakap mula sa likod ang Daddy niya.

"Ano na naman ang pakay mo hija?"

"Daddy naman."

"Osya, Ashley na." hinarap siya ng Daddy niya at hinalikan sa nuo.

What? Hindi man lang nagalit ang Daddy niya? Nakaka-lakas tama ang lambingan nila ah. Kailangan talaga ma-emosyon?

"Dad, I want you to meet Lance." tumingin sa akin si Ash. Pati ang Daddy niya.

"My boyfriend." tumingin sa akin ang Daddy niya. Diretso at seryoso ang mukha. Lalong kumabog at halos nagtatatalon ang puso ko sa sobrang kaba. Bakit ganoon ang titig niya. Akala ko ba gusto niyang magkaroon ng bf ang anak niya?

Papalapit na siya sa akin habang parang gusto kong umatras. Matalim ang titig niya sa akin at walang kurap. Gusto ko mang umatras pero parang naging bato ang mga paa ko. Ni hindi ko nga maihakbang e.

Papalapit na siya. Hinanda ko na ang kamao ko. Just in case na dambahan ako, ay makakapalag ako. Kahit naba Daddy siya ni Ash, kung sasapakin niya ako, hindi ko siya uurungan. Oragon yata ire!

Ayan na sya, humanda na ang kamay ko at handang dumapo sa kanya anytime when needed. Pero iba ang naramdaman ko. Niyakap niya ako saka hinalikan sa noo.

"You are the answer to my prayers!"

What!? Ngumiti ako nang wala sa oras. Ganito ba lagi sila? Laging pinaiisip ng kung ano ang mga tao sa kilos nila? Parang mga bipolar. Paiba-iba amg ugali. Naman talaga grr!

"You are?"

"Lance Rodriguez, tito." sagot ko.

"So, what company are you with, your business I mean, what course?" nakangiti niyang tanong at naghihintay sa akin sa mga sagot ko.

Paktay ka. Sa dami ng itinuro ni Ash ay hindi niya nabanggit ang ganoon.

Kumunot ang nuo ko, lagot. Baka madiskaril ang plano namin. Hindi mapakali ang mga mata ko. Natutunaw ako sa titig niya. Parang nangliliit ako.

Nakatingin pa rin sya sa bibig ko, sa isasagot ko.

"He's a bachelor of science in political science major in public administration graduate Dad. And little did you know, chief of staff sya ng isang senador."

Sabad ni Ashley sa amin.

"Wow! Good combination! Business and politics. Indeed, you are really the answer to my prayers!" bungisngis niyang sabi sabay alog alog sa katawan ko.

"So kailan ang kasal? Gusto ko maraming apo ha. Isang dosena!"

"Dad, naman. Bago palang e. Ikaw naman. leave that to us. Anyway, without further ado, at bago magkalimutan. Your promise?"

"O, sorry hija—I mean Ashley. You can check your account later. Ipapaayos ko pa sa accountant ko."

"Thanks Dad!" Ngiting tagumpay na sagot ni Ashley.

" Bye Dad!" saka ako hinila ni Ash palabas ng pinto. Ganoon lang kaiksi ang pagpapakilala niya sa akin na kailangan pa niyang guluhin ang meeting.

So kung hindi sya mahal ng Daddy niya, bakit tinapos niya ang meeting makausap lang si Ash? Ang gulo ha. Pero, gusto ko ang palusot ni Ash. Nasa pulitika pala ako.

Bago kami lumabas ni Ash, hinawakan ako ni Sir Felipe sa kamay saka bumulong. "Take good care of her Lance, I'm counting on you."

"Yes Sir." sagot ko, bago lumabas nang tuluyan sa room at iwang mag-isa ang Daddy ni Ashley.

Greatest soldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon