Chapter 15: The Finale
Please play the song ⇨
♪One Last Cry♪
by Brian MC Knight
Credits to the owner.
♡One month later♡
Sa baywalk.
Sunset. Kasama ko si Ashley na naka-wheelchair.
Matagal ko nang iniiwasan na pagmasdan ang sunset. Takot ako. Kasi pakiramdaman ko, lagi akong nasa dapit-hapon ng buhay ko.
Tatandang binata dahil sa commitment. Tatandang mag-isa dahil noong mga oras na iyon ay single pa ako.
Pero ngayon, heto ako't pinagmamasdan ang sunset kasama ang mahal ko. Hindi na ako takot. Lahat kasi tayo pupunta doon, sa kaharian ni God. At iyon ang natutunan ko.
I feel much better watching sunset as I'm enlightened. Acceptance lang.
"Lance, I want you beside me until my last moment on Earth. 'Wag mo akong iiwan ha?"
Hinalikan ko siya sa noo.
"Hinding hindi. Ash."
"Lance." humikbi siya.
"After our marriage, when I'm gone, gusto ko mag-asawa ka uli ha. Live a normal life. Bata kapa, marami pang pweding mangyari sa'yo along the way. You will live longer. Kapag masaya ka, masaya na rin ako Basta nasa tabi mo lang ako palagi, gagabayan kita."
"E, paano kung hindi ako mag-aasawa?" niyakap ko siya.
"I will make a way. Ako ang hahanap." ngumiti siyang pilit kahit basa ang mga mata niya.
"Gusto ko kasi, masaya ka. Gusto ko hindi ka malulumbay at baka bigla ka nalang mag-isip at sundan mo ako. Ayaw ni God ng ganyan. Siya ang nagtatakda sa buhay natin, hindi tayo."
Patlang.
"Ashley, kailan mo ako minahal?"
"Nako, noong una kitang makita. Love at first sight. Ako ba?"
"Ganoon din, ikaw pa, takaw tingin ka kaya kapag dumarating ka doon sa konstruksyon."
"Ha!? Talaga? Parang hindi naman."
"Oo nga. Kaya nga nagseselos ako sa mga kasamahan ko kahit hindi pa tayo."
"Talaga? How much do you love me?"
"It's not about how much I love you. It's how I respect and value you. You are so priceless Ash."
"Basta ako, my love for you is like a circle. It's never ending."
Wala kaming ginawa kundi sulitin ang nalalabi niyang oras. Tinaningan na kasi siya ng doktor. Ayaw niyang magpa-chemo dahil iyon naman daw ang tadhana niya. Ang papel niya sa mundo. At makakasama na rin daw niya ang kanyang Mom.
♡One month later♡
Sa beach. Beach wedding. Mock wedding. Sa kagustuhan na rin ni Ash kahit ayaw ko. Katwiran niya, para makapag-asawa daw uli ako kapag gusto ko.
Tinuloy namin ang kasal sa isang private island malapit sa Boracay. Present ang mga pamilya namin.
I'm wearing white tuxedo at white bridal gown naman ang kay Ashley. Naka-wheelchair pa rin sya. Hindi na kasi niya kayang tumayo.
Nag start na ang procession. Hinihintay ko sa altar si Ashley, habang tulak ang wheelchair niya ni Daddy. Patuloy ang pagluha ni Daddy habang hinahatid niya si Ashley.
Nagpatuloy ang seremonya. Walang ibang ginawa ang mga tao doon kasama kami ni Ashley kundi ang lumuha nang lumuha.
Gusto ni Ashley na matapos ang wedding ceremony na takip-silim, 'yon ang mahigpit niyang bilin. Natupad naman.
"...Go in the peace of Christ and glorified God by your lives."
"Thanks be to God."
"Now, Demilance, you may kiss your wife, Ashley."
Tinanggal ko ang belo. Tinitigan sa mata si Ash. "Ash, tandaan mo to ha, mahal na mahal kita."
"Mahal din kita Lance." sagot niya. Saka ko siya hinalikan nang buong lipos.
"Please give a round of applause to the newly wedded couple, Demilance and Ashley Cuartero."
Matapos ang palakpakan, ang halik.
Nagsimula nang nawala ang mga tao, naiwan kami ni Ashley sa dalampasigan. Nakaupo ako sa buhangin habang nakasandal naman sa dibdib ko si Ashley. Nakaharap kami sa araw.
Kinulong ko siya ng yakap.
"Lance, palubog na ang araw. May nakikita akong liwanag."
"Ash, naman, wala pa ngang honeymoon e." biro ko na umiiyak.
"Utang ko nalang pwedi?"
"Ash—." hinawakan niya ang kamay ko. Idinampi sa mukha niya.
"I love you." saka siya humalik sa mga labi ko. Tuluyan nang lumubog ang araw at siya namang pagbagsak ng katawan ni Ashley.
Sinalo ko siya sa dibdib saka niyakap.
Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Patuloy ang bagsak ng mga luha ko walang tigil, walang puknat.
She's now with God.

BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spirituale"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.