Chapter 2
"Lance Rodriguez, please come here!" Screen name ko. 'Yon ang pangalan na gusto ni Mamang gimitin ko. For security reason daw. Ewan pero hindi na ako nangulit pa.
"O, Lance tawag ka niya," kalabit sa akin ng kasama ko.
Itinuro niya si Ma'am Ashley.
"Ha, anong sinabi niya?" pang-uusisa ko.
"Ba, malay ko. Saka Ingles ata yun pre e, sigurado ako, kase 'di ko maintindihan e. Lam mo naman ako. Grade one lang, no red no rayt. Basta lumapit ka nalang doon."
Lumapit ako kay Ma'am Ashley.
"A-ako po ba Ma'am? B-bakit po?" Ngatog kong tanong. Ito kasi ang pers taym ko na tinawag niya ako, sa buo kong pangalan.
Maganda talaga sya. Lalong gumaganda habang tumatagal.
"Sumunod ka sa akin. Sa office ko." Sabi nang papalapit ako sa kanya.
"Ma'am, a-ano po?" pahabol kong tanong dahil kinaklaro ko lang kung tama ba ang dinig ko na sa opis daw kami.
"Sumunod ka sa office ko," litanya niyang sabay talikod saka lumakad papunta sa opis. Minsan, nag-aalala ako kay ma'am—kung mabait ba sya—o ano e. Hindi ko maintindihan, mahirap siyang ispelingin. O baka naman masama lang talaga ang timpla nya ngayon. Alin man doon sa pagpipilian, natatakot pa rin ako sa kanya. Kinakabanahan ako. Bakit ako pinapunta sa office niya.
Hindi na ako umimik pa at sumunod na lang sa kanyang nangangatog ang paa. kinakabahan talaga ako. Ilang saglit lang at nasa office na kami. Tinarangka niya ang pinto. Sarado.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakabingi ang katahimikan. Napakalamig sa loob. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Wala akong maisip.
Umupo siya sa harap ng table niya. Tapos pinaikot ang upuan at tumalikod sa akin. Transparent window glass ang dingding kaya kitang-kita doon ang mapulang araw. Naghahanda na sa paglubog.
Siguro iyon ang tinitingnan niya. Pero ako, ayaw kong tumingin sa sunset. Hindi ko alam pero may takot sa puso ko. Iba ang ibig sabihin sa akin ng sunset.
Yumuko nalang ako. Sa pagyuko kong iyon ay nakita ko ang sarili na marungis. Nahiya ako bigla.
Baka nadudumihan ko ang magarang opis ni Ashley.
Nawala kasi sa isip ko ang maghugas ng katawan. Paano'y dali-dali niya akong tinawag.
Patlang.
Ilang minuto din ang tumagal na walang umiimik sa amin.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.