Chapter 7
"Kape?" alok ko kay Ashley. Naiwan kami sa visitor's lounge. Si Mama ang kasama ni Junjun sa ICU, ilang oras na ang nakararaan nang isugod namin si Junjun Hospital.
Kinuha niya ang kape, saka uminom. Ito lang ang kilala kong mayaman na walang arte sa katawan. Game sa lahat. Pati sa mga pagkain ng mahihirap.
Disperado talaga sya na mahiram ako. Gaano ba kasi ka-importante ang pera sa kanya at ganoon nalang sya kapursigido na makuha ito.
"Pasensya kana sa pamilya namin ma'am Ashley ha, sinabi ko na kasi sa'yo e."
"Wala 'yon. Naiinggit pa nga ako sa inyo e."
Tumabi ako sa kanya.
"Anong kinaiinggitan mo ma'am?"
"Wag mo na nga akong tawaging ma'am, sabihin ng mga tao, bossy ako. E sa construction site lang naman 'yon. Ash nalang," ngumiti sya saka humigop uli. "Naiinggit ako, kasi kahit wala kayong tatay, nandyan ka naman, tapos supportive pa ang mama mo. Masaya ang pamilya nyo kasi lahat kayo concerned sa isa't isa."
"Naintindihan ko si Mingkay. Ako nga, walang may pake sa akin e. Dalawa nalang kami ni Daddy, mas pinili nya pang unahin ang trabaho nya."
"Ganoon ba? Sorry Ash."
"Walang dapat mag-sorry, talagang dumarating ang ganitong mga sitwasyon sa buhay natin. Kaya dapat marunong tayong sumabay sa mga agos ng problema. Mahirap kapag sinuong mo 'to nang mag-isa, baka maanod ka, bumigay, kumbaga."
"Sabi ko nga e."
"Teka Lance, Mingkay ba talaga ang pangalan nya? Parang weird naman."
"Ha? A, palayaw lang 'yon. Minareth ang tunay nyang pangalan, Jonathan naman si Junjun, Antoinette si Juji at Davidson naman si Jello."
"Wow, sosyal naman ng mga pangalan nyo. Napakalayo sa palayaw, ikaw ano naman?"
"Demilance."
"Hu?"
"Si Papa kasi, mahilig sya sa mga kakaibang pangalan. Nakukuha nya mula sa mga nakakasalamuha nya." Pero ako talaga ang umisip ng mga pangalan nila ayaw ko lang aminin.
"Ano ba'ng trabaho ng papa mo dati?"
"Journalist. Ikinamatay niya ang propesyon nya."
"O, andyan na ang mama mo Lance."
"Ma, kamusta si Junjun?"
"Lance," mangiyak-ngiyak si mama, "mababa ang dugo ni Junjun, may dengue sya. Kailangan masalinan ng dugo kaagad."
"Ha? Ako, pwedi yata ako ma. Pupunta ako sa Doktor, magbibigay ako."
"Lance, may problema pa tayo. Binigyan ako ng mga reseta, napakamahal, tapos kailangan araw-araw pa. Paano 'to?"
Napasapo ako ng mukha. Nako naman, bakit ba sabay-sabay naman ang problema kung dumating.
Ibinigay ko lahat ng sahod sa buong linggo sa konstruksyon. Walang natira kahit piso.
"Tita, idagdag nyo po 'to o." abot ni Ashley ng kamay niya na may kimkim na pera kay mama.
"Ashley, wag na. Nakakahiya, kaya ko pa naman e."
"Hanggang saan ang kaya mo Lance? Hindi sa minamaliit kita, pero kulang ang sahod mo sa panggastos. Lahat na 'yang pero mo. Mahal ang gamutan. Hayaan mong makatulong ako kahit sa maliit na paraan."
"Salamat Ash. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan."
Umalis si mama na dala ang pera pambili ng gamot.
Pumunta naman kami ni Ashley sa doktor. Iprinisinta ko ang sarili ko.
"Dok, pwedi ho ba na ako ang mag-donate ng dugo?"
"Rh positive ang dugo ng kapatid mo. Campatible ba kayo?"
"Hu? S-siguro po."
"Akin na ang kamay mo, kailangang alam natin bago magsalin, mahirap na." kinuhaan nya ako ng dugo.
Ilang minuto kaming naghintay sa resulta.
Ilang saglit pa at lumapit na ang doktor.
"Mr. I'm sorry pero iba ang dugo mo e. Hindi kayo compatible ng kapatid mo."
"Ha? Paano nangyari 'yon dok? E, magkapatid kami, kaya dapat magkadugo kami. Paanong hindi?"
"Rh positive ang dugo ng Papa mo, at hindi naman ang mama mo. Ang kapatid mo lang ang nag-acquire ng dugo ng papa mo at ikaw, sa mama mo." Paliwanag ni Dok.
"Paano yan?" wala na akong maisip na paraan. Blangko ang isip ko.
"Dok, maghahanap po ako."
"Ashley? Wag na. Kami nalang ang maghahanap ng iba."
"Hindi, ayoko. Maghahanap ako. Hindi naman para sa'yo to, para sa kapatid mo 'to," tinitigan niya ako. Saka naglakad paalis.
"Ash, napakarami na nang naitulong mo sa akin. Salamat talaga."
Bumalik siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Sabi ko naman sa'yo e, 'wag mong harapin nang mag-isa ang problema, hindi mo kakayanin, humanap ka ng karamay."
"Salamat."
Saka sya humakbang paalis.
"Ash-" tawag ko sa kanya. Tinitigan ko sya nang may pasasalamat.
Lumingon sya sa akin saka ngumiti, dumiretso palabas. Palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.