Chapter 4
Isang sakay pa uli ang kailangan ko para makarating sa bahay. Dumaan ako sa isang donut stand para bumili ng pasalubong ko, nakagawian ko na kasi na tuwing umuuwi ako, lagi akong may dalang pasalubong. Hindi 'yon 'yong donuts na mamahalin. Hindi kaya ng budget, 'yong mga tig-limang piso lang.
"Apat miss." Naalala ko, birthday din pala kahapon ni Junjun, isa sa mga kapatid ko.
"Bigyan mo sya ng tatlong dosena, 'yan, pati 'yan, tapos ito din, ito pa. Lahat yan, paki-box ha." ano, si Ashley?
"O, para sa mga kapatid mo." Sabay abot niya ng tatlong box sa akin.
"Sorry Ma'am, kaya ko pong bumili, hindi naman po ako nanghihingi e."
"Hindi naman 'to para sa'yo, para sa mga kapapatid mo 'to." Paglilinaw niya. "'Wag feeling Lance ha, saka alam ko, hindi sila tumatanggi sa pagkain."
"Oo—sa mga taong hindi nila kilala, ganun ko sila dinisiplina."
"Bakit Lance, ibang tao ba ako sa'yo? Boss mo ako, tama?"
Napahiya ako, kaya tinanggap ko nalang "salamat po ma'am," sabay alis ko. Patuloy ako sa paglalakad.
Kahit isang sakay nalang ako, hindi ko parin ginawa. Maglalakad ako kahit may kalayuan pa, para makatipid ng pera. Mahirap mag-budget at gastusin ang pera kapag pinaghirapan itong makuha. Literal na mahirap.
♪Beep! Beep!♪
Tumabi ako sa gilid na mismo ng kalsada, minsan kasi, nakakalimutan ko, nasa gitna na pala ako ng kalsada sa paglalakad.
Itinuloy ko na ang paglalakad.
♪Beep! Beep!♪
Gumilid pa ako, as in, malayo ng kaunti sa kalsada.
♪Beep! Beep!♪
♪Beep! Beep!♪
Nakakairita sa tenga ang pagbusina. Nasa tabi na ako e.
Kumuha ako ng pirasong bato, at akmang ihahagis sa nangti-trip na sasakyan.
Tumingin ako sa likod.
Anak ng tokwa! Si Ashley na naman. Sinusundan niya talaga ako.
Nabitawan ko ang bato.
Hindi ko kayang batuhin ang ganyan ka-gandang tao.
Ngangarag-ngarag 'yong taxi na sinakyan niya.
"O, Lance, baka gusto mong sumabay? Parehas lang naman yata tayo ng pupuntahan e."
"Salamat po ma'am, maglalakad nalang po ako. Saka mukhang naghihingalo na ang taxi na sinakyan nyo, baka lalong bumigay 'yan kapag sumabay pa ako," tumuloy na uli ako sa paglakad.
"Sige na 'wag kanang mahiya. Libre ko naman e."
"Hindi na po ma'am."
"Sige na, palagi ka nalang ganyan, tinatanggihan mo lagi ang mga treats ko sa'yo. Sige na."
Biglang tumirik 'yong taxi na sinasakyan niya. Kung minamalas nga naman.
"What happened manong?"
"Ma'am, nasiraan po tayo."
"What? Hindi pa ako nasisiraan ha!"
"Kako, ng makina ho."
"Ganoon ho ba? Linawin nyo po. 'Di iyong dinadamay moko."
Hindi ko na sila pinakinggan pa. Nagtuloy-tuloy ako sa laglalakad, nang nakaramdam ako na may bumato mula sa likuran ko. Sapol ang ulo ko.
Si Ashley. Nilingon ko siya nang may pagsipat ng mata. "Ano ba'ng problema mo?"
"Ikaw ang may problema!" galit din sya na lumapit sa akin.
"How could a man like you leave me alone in nowhere!? Paano mo nagawang iwan ako nang mag-isa sa lugar na 'to? Hindi ka ba naawa sa akin? Paano kung may nangyari sa akin dito ha?"
"Sino ba kasing may sabi sa'yo na sundan mo ako?"
"Hindi kita sinusundan!"
"Bakit ka nandito?"
"May pupuntahan ako doon, a friend of mine, bakit, masama? Ikaw lang ba ang may kakilala? Ikaw lang ba ang taga-Pilipinas? Doon din ako pupunta." nguso niya sa direksyon na tinatahak ko.
"Oo, dahil ngayon ka lang naman nagawi dito, iisa lang ang daanang 'to, at papunta 'to sa lugar namin, sa squatters' area!"
Napatigagal siya. Wala na sigurong maisip na lusot.
"We, 'di nga?" nawala tuloy ang galit niya at napalitan ng pagtataka.
"Oo, at delikado ka doon. Nakakasilaw sa mata 'yang mga alahas mo." hinawakan niya ang mga alahas na akala mo ay may kukuha na.
"M-mga alahas ko?" tumingin sya sa driver. "Manong, matagal pa po ba 'yan?"
"Nako, ma'am, matagal pa to. Hanap na lang ho kayo ng ibang masasakyan. Pero bayad niyo po muna."
"Wait lang manong, excited!?"
"Saan ka ngayon pupunta?"
"Uuwi bakit?" Sagot niya.
"Sa oras ngayon? Na gabi na, wala nang jeep ang pabalik. Hanggang alas-7 lang ang biyahe nila. Kung babalik ka, kailangan mong maglakad."
"Ako, maglalakad mag-isa pauwi?"
"Oo."
"Ayoko nga!" Sabay hawak niya sa braso ko.
"Sasama ka sa akin?"
"May choice paba ako?"
Kaya mong mabuhay sa mundo namin?"
"No choice uli e." panapos niya.
BINABASA MO ANG
Greatest soldier
Spiritual"The Mighty Creator gives his hardest battles to his strongest soldiers." Kaya walang bibitaw sa mga pagsubok.