Chapter 16: Epilogue

197 4 6
                                    

Chapter 16: Epilogue


Please play the song 

♪Jubilee Song♪

by Jamie Rivera

Credits to the owner.



♔10 Years later♔

Si Minareth ang nagtake-over sa akin. At kaka take-over lang din niya last year sa pwesto ni Daddy matapos ang isang taong training. Si Juji naman ang nagpatuloy ng franchising business ko na ngayon ay may sarili na, ang Ashlance Donuts.

Nagresign si Daddy at ngayon ay nasa rest house sa tagaytay at planong pumunta sa Israel sa darating na mahal na araw.

Ako? pinagpatuloy ko ang isang calling. Hindi ito ang pangarap ko pero ito ang plano ni God sa akin. Marami ang tinawag pero iilan lang ang tumugon. At meron namang hindi tinawag pero tumugon. Maraming plano si God para sa atin, at bawat isa ay may misyon.

Minsan, sinusubok niya tayo kung hanggang saan ang pananalig natin. At ang hubad na katotohanang marami sa atin ang sumusuko hindi dahil sa marupok ang tiwala at pananalig kundi kulang sa pagmamahal mula sa taong nasa paligid.

Marami ang tumalikod at sumuko, pero mas marami ang naniniwala sa pamamagitan na rin sa kanya. Hindi tayo kailanman iniwan at pinabayaan ni God.

Ilang taon na rin ang nakalipas nang huli akong pumunta sa chapel na ito. Bumalik lahat ng ala-ala ko. Isa-isa silang kumukutitap sa isipan ko, tila nagkakantahan ang mga imahen ng anghel at nagsasabi sa bawat pumapasok dito na manalig.

Ang mga upuang saksi sa mga taong sinubok ang katatagan ng puso, ng mga sahig na tahimik na gumagbay sa mga taong nawawalan ng tiwala sa sarili at mga dingding na yumayakap sa atin sa mga panahong naghahanap tayo ng matatakbuhan.

Bumabalik ang lahat lalo na ang mga oras na nakikipaglaban ako sa sarili ko, sa guilt ko. Si Ashley.

Tumuloy ako sa loob ng chapel. Wala pa ring pagbabago.

Pero may umagaw ng atensyon ko.

May binata akong namataan malapit sa altar.

"Wala ka pala e."

"Akala ko ba lagi ka sa tabi ko? Nasaan ka noong kailangan kita? Yong mommy ko, may breast cancer, ang kapatid ko may HIV."

"Kunin mo nalang kaya ako?"

"Hirap na hirap na ako e. Pagod na ako. Bakit kailangan kong pagdaanan 'to galit kaba sa akin? Ako nalang." Humihikbi siya.

Lumapit ako sa binata. Mula sa likod niya ay nagsalita ako.

"Walang ibinigay na pagsubok ang panginoon na hindi napagtatagumpayan ng isang tao." natigilan siya.

"Marami ka mang hiningi na hindi niya naibigay, mas marami naman siyang ibinigay na hindi mo hiningi." hinawakan ko siya sa balikat. Nilingon ng binata ang kamay ko.

"Tandaan mo, hindi nakalilimot si God sa mga tao. Dahil tao ang lumalayo sa kanya."

"Ang lahat ay nangyayari pabor sa panginoon dahil siya ang direktor ng buhay natin at tayo ay actors. Everything happens for a reason. All you have to do is to accept things as it is. God has always good plans for us."

"'Wag natin siyang pangunahan. Malay mo bukas o sa mga susunod na araw, buwan o taon ay gumaling sila nang tuluyan. Ikaw, magtagumpay ka sa tinatahak mong landas."

Umupo ako sa tabi niya.

"Anak, acceptance. Walang hindi ginusto ang panginoon para sa atin tungo sa ating ikabubuti. Believed in him."

Natulala siya sa akin.

Mukha mang nagtataka, mababakas sa kanya na unti-unting siyang nagkakaroon ng pag-asa—natauhan at naliwanagan.

Tumingin siya sa altar saka bumulong. "Lord, sorry po. Nagpadala ako sa emosyon ko."

"You've been forgiven anak. God always forgives those who repented unto him."

"Sino po kayo?"

"Hindi 'yon importante, ang mahalaga ay na-realize mo na hindi ka iniwan ni God."

Saka ako tumayo at naglakad palabas. "Sandali, pari po ba kayo?" habol sa akin ng binata.

Nilingon ko siya saka tinanguan. Ngumiti siya, lumapit sa akin saka nag-mano.

"Father, nandito lang po pala kayo." bati ni Dok sa akin. Ang Doktor na dating gumamot kay Ashley.

"Ah, Dr. Clarence, ikaw pala."

"Dito po tayo dumaan."

"Doon po tayo sa loob, sa bagong building. Para sa blessing at misa."

Oo, ibe-bless ko ang bagong building na dinonate ni Minareth sa hospital sa kagustuhan ko na rin. At bukas ay magsisimula akong mag-misa dito sa chapel para sa simbang gabi para kahit papaano ay hindi na lumayo ang mga pasyente, doktor at lahat ng tao sa hospital.

"Sige tara. O, Junjun andyan kalang pala e, asikasuhin mo muna si father ha?" bilin ng doktor sa binatang kausap ko kanina. Isa pala siyang nurse dito.

Junjun ang pangalan niya? Coincidence lang ba 'to o gawa ni God? Halos ganito din ang nangyari sa akin noon sa chapel may lumapit sa akin na mama. At nang tinanong ko siya kung pari ba siya ang sagot niya ay ako daw. Ngayon gets ko na.

"Hay." bumuntong hininga ako. Umiling-iling at napangiti.

Tumingin uli nang may pagtatanong ang binata sa akin.

"O sige, ako si Father Demilance Cuartero at nandito ako para mag-blessing sa bagong hospital building. Okay na?" tumango ang binata saka ngumiti.

"Father Lance, please blessed me sa dissertation defense ko bukas for my Doctoral stage."

"Sure," nginitian ko siya saka hinawakan sa ulo. Saka sabay kaming naglakad papunta sa ibe-blessed kong building.






†End†


Salamat sa pagbabasa. God bless you. :)

Le'me hear 'ya feelins fellas!
Voice out your feelings, feel free to comment, suggest, ask and criticize. Salamat! :)

By ©Saki Torio 2015

All rights reserved

Greatest soldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon