*Bazyli*
For the second time ay isinuko Ko kay Carter ang bandera ng kababaihan. Arghhh! Ano bang meron sa maniac nayun, eh ang bilis kong ma attract. Attraction can lead to love right?? No!! Ayaw kong masaktan! Lugi ako kapag ma inlove ako sa kanya dahil three months lang ang deal namin. I must keep myself from falling inlove. I gave him my body, i cant afford to give him my heart.
Anyway, nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin dahil hinatid nga nya ako. Patay ang ilaw sa bahay, meaning wala pa si inay at mga kapatid ko.
"A penny for your thoughts?" Nagulantang ako sa sinabi ni Carter. He looked at me like he was confused..
"Bababa na ako. Baka dumating na sila nanay, baka makita kapa" sabi ko at akmang bumaba pero pinigilan nya ako
"Bakit ba ang lalim ng iniisip mo? Kanina kapa.. nagsisisi kaba sa desisyon mo about our deal?"
"Wala naman, im just tired at may trabaho pa ako sa bar mamaya. My mind is just preoccupied."
"Ahhh okay.. i can come with you if you want? Wala naman akong gagawin."
"No thanks. Umuwi ka nalang. Cge bababa na ako. Ingat ka." Sabi ko ng matanaw ko si nanay na paparating
"If you say so. Bye" sabi nya nung bumaba na ako at pinaharurot ang kanyang kotse.
"Oh anak bakit ngayun kalang? May trabaho kapa. Baka ma late ka" sabi ni nanay ng mag kasalubong kami sa gate ng bahay namin.
"Papunta napo ako nay.. iiwan ko lang ang bag ko dito" sabi ko habang nagmamano kay nanay ng nakapasok na kami sa bahay.
"tapos ka na bang kumain?"
Sinabi kong tapos na at umalis na ako papunta sa trabaho ko. Hindi na ako nagbihis since okay naman ang damit ko.
Ng makapasok ako sa bar ay ang dami na ng tao at nagsisimula ng mag ingay. Pumunta ako agad sa counter at nag entertain ng costumers.
Sa wakas tapos na ang trabaho ko at naka uwi na ako. Natulog na ako agad dahil klase na bukas.
KINABUKASAN
Hindi ako sinundo ni Carter ngayon kaya pumunta ako mag isa sa skul. Pagpasok ko palang sa building namin ay itlog ang sumalubong sa akin.. lagkitttttt
" hahahaha yan nga ang buti sayo!! Tapunan nyo pa!!!" Hindi ako naka kilos dahil sa shock. Pak pak pak. Tapon sila ng tapon ng itlog sa akin at ang dumi dumi ko na!!! Yung mga naka away ko sa canteen ang master mind ng itlog festival nato. Bwesit na hipon
"Bakit ba kayo nananapon ng itlog jan! Mga bwesit kayu ah!" Mga hayop nato. Bakit ba ako ang pinagtritripan nila.mga walang magawa sa buhay.!!!!
"Itinatanong pa ba yan?? Linta ka kasi! Akin lang si Carter at wag kang lumapit sa kanya! "
" asus! Yun lang ang dahilan mo. Sya ang sabihan mo na wag lumapit sa akin dahil sya tong dikit ng dikit hindi ako! "
"Wag kang asumera dahil hindi ka maganda! Carter does not like your type. Too innocent and fragile. Kaya wag ka ng umasa na papansinin ka nya! O baka naman lumandi ka at limataw yang totoong kulay mo. Pa demure at first pero nasa loob lang naman pala ang kulo! Desperada! Bitch!" Patuloy lang sha sa pagsasalita at dumadami narin ang mga audience namin.
"Unang una, wala kang karapatan na angkinin yung tao dahil hindi ka naman gf. Pangalawa, di aku ganun ka inosente gaya ng inaakala mo. Pangatlo, hindi aku malandi dahil hindi aku lumalapit at basta basta nalang nakikipaghalikan sa kung sino sino sa loob ng cr" akala nya hindi ko sya nakikita na iba iba ang kasamang mga lalaki sa cr? Namula naman sha dahil halatang alam nyang cya ang tinutukoy ko. "Pang-apat, hindi aku desperada dahil hindi aku ng aangkin ng taong di kanya at ng babato ng itlog sa babaeng nililigawan ng taong gusto nya at pang huli, in case you did not know, im prettier and much more cleaner than you kaya wag kang umaktong malinis dahil malinis pa sayo ang mga kamay ko" i know, harsh yung mga sinabi ko pero buti nalang yun kaysa mag papa api ako at masusundan nanaman ang pang tri trip nilang sa akin at hindi ako ang tao na iiyak lang sa sulok
"How dare you say that to me?" Umuusok na ilong at tenga na sabi niya, probably because of humiliation and anger
"Who are you para hindi pag salitaan ng ganun? Kung hindi mo kinaya ang mga sagot ko ay di ka nalang sana gumawa ng eksena para hindi ka mapahiya sa susunod. Now, excuse me at aalis na ako kung wala kang sasabihin." Hindi sha umimik at naka nganga lang kaya umalis nalang ako sa harapan niya but before i left, i wiped my dirty hands in her expensive looking dress. Bet she did not see it coming.