Prologue

2K 29 2
                                    

"It's a wrap, guys!" palakpak noong photographer na kumuha sa amin para sa isang magazine cover.


Napabuntong hininga na lang ako nang bitawan niya na rin sa wakas ang bewang ko. Napatingin pa siya sa akin na para bang may ginawa akong masama pero hindi ko na iyon pinansin pa.


"Ate Pau, alis na po ako agad!" sabi ko sa manager ko pagkapasok ng dressing room at agad naupo sa harap ng salamin para magtanggal ng make up.


"Saan ka pupunta?" tanong nung asungot na nakasunod pala sa akin.


"None of your business," sabi ko at inirapan siya. "Uuwi din po ako agad, Ate!"


"Okay. Just be vigilant about your surroundings," malumanay niyang sabi habang nagbabasa ng magazine. "Maraming mata ang nakasunod sayo."


Napa-ngiti na lang ako dahil doon at nag-umpisa na yung make-up artist ko na burahin ang make-up ko. Nararamdaman kong nakatingin sa akin iyong isa habang nakaharap ako sa salamin. Ano na naman kaya ang problema nito? Hindi naman dito ang dressing room niya.


Nakita ko ang paglapit niya kay Ate Pau at kinausap niya ito.


"Clem, isama mo si Sebastian sa pupuntahan mo," ani Ate Pau na ikinabigla ko.


"Po?!"


Tinignan at nginitian lang ako ni Ate Pau bilang sagot sa tanong ko. Masama kong tinignan si Sebastian na tinatawanan lang ako bago tuluyang lumabas ng dressing room ko. Nakakabwisit talaga!


Saktong nag-ring ang phone ko pagkatapos akong ayusan. "Hello?" sagot ko.


[Tuloy tayo?]


"Yes," napabuntong hininga naman ako, "Pero may problema lang."


[What is it?]


"Sasama si Baste sa atin."


Bumukas iyong pinto at pumasok siyang nakabihis na, ready-ng ready na. Inirapan ko siya nang ngitian niya ako.


[Oh, okay? That's fine. Para iwas issue na rin kung sakali man may makakita sa ating dalawa.]


Tumango ako at ngumiti kahit hindi niya naman nakikita, "Okay. Papunta na ako. See you!"


Inayos ko na ang gamit ko at sinuot ang cap para makaalis na. Nakasandal siya sa may pinto at doon ko lang din na-realize na naka-all black din siya with ball cap.


"Tara na?" tanong niya.


I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon