Chapter 18: To be Loved

547 17 5
                                    

Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa akin. Ilang minuto nalang ay ila-launch na ang trailer ng movie namin pero ito siya, sobrang kinakabahan.


"Kumalma ka nga!" awat ko.


Parang first time niyang mararanasan 'tong trailer launch kung umasta siya. E, ang dami na nga niyang movie. Iyong iba ay solo pa niya.


"Kinakabahan ako!" reklamo pa niya pero pabulong iyon para hindi marinig ng mga kasama namin dito sa office.


Napailing nalang ako habang natatawa. Parang bata, e. Kinuha ko nalang ang phone ko tapos nag-type doon ng tweet bago siya videohan para sa IG story ko. Nilagay ko pa iyon ng caption na, 'kabado ang baby' tapos may emoji na tumatawa.


Hindi ko na pinansin na nalagyan ko pala ng 'baby' iyon. Hinayaan ko na lang! Alam kong aasarin niya ako mamaya at kakantiyawan pero sanay na ako.


Tutok na tutok ako sa TV na nasa harap namin habang pinapalabas ang trailer ng movie namin. Parang bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang kabado. Kung kanina ako 'yong chill sa aming dalawa, ngayon siya naman 'yon tapos ako naman yung kinakabahan.


"Ang galing mo tumakbo!" asar ni Joshua sa akin kaya hinataw ko kaagad siya.


"Ah, ganon?" tinaasan ko siya ng kilay.


"Joke!"


Hindi magiging 'Run' ang title ng movie kung hindi ako tatakbo. Charot. E, ayun naman kasi talaga ang kailangan namin gawin 'no! Run for our lives. Kapag ba ikaw, hinabol ka ng mga hindi mo kakilala at halos gusto kang patayin, hindi ka tatakbo?


Panay horror ang ginagawa kong movie pero kakaiba 'to. Hindi lang 'to puro multo, may iba pa ritong mas dapat abangan ng fans namin.


"Uwi na tayo, baby..." bulong ni Sebastian sa akin. "Inaantok na ako."


Siniko ko siya, "Kakain pa raw."


"Edi tayo na lang ang kumain. Tara na!" pangungulit pa niya.


"Shh!" saway ko naman.


Dumating na iyong foods na pina-deliver para sa kakainin namin. Nakakapagtaka at wala si Ate Pau ngayon, ang sabi niya naman ay susunod siya. Baka nagalit sakin? Well, magso-sorry naman talaga ako kaso wala siya ngayon dito. I know naging bastos ako kahapon sakaniya, I admit that naman. Mas prefer kong mag-sorry in personal, hindi sa text.


"Kain na," inabot sa akin ni Sebastian iyong food na kinuha niya para sakin.


Hindi naman na ako tumanggi dahil nagugutom na rin ako. After namin kumain, pinayagan na rin kaming umalis kaya kaagad akong hinila ni Sebastian paalis doon. Nag-picture pa kami sandali bago lumabas tapos hinila na ako kaagad.


Hindi ko alam kung anong trip nito at madaling-madali. Ako naman 'tong sunod lang nang sunod hanggang sa makarating sa kotse niya. Wala akong dala kasi sinundo niya nga ako.

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon