Chapter 4: WYSIWYG

503 16 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. May guesting nga kasi kami ngayon at kailangan maaga ang call time. Kaagad akong tumayo nang maisip si Sebastian. Hindi ko alam kung gising na ba siya or hindi pa. Kailangan pa niya umuwi para mag-ayos. Mahirap na ang ma-late mamaya 'no! Pareho kami masasabon.


"Good morning!" bati ni Sam na naka-ngiti sa akin.


Nandoon siya sa dining table habang nagsasawsaw ng tinapay sa kape. Natatawa-tawa pa siya sa akin. Nilingon ko ang sofa na hinigaan ni Sebastian kagabi. Maayos na iyon at wala na siya. Siguro maaga rin siyang bumangon para makauwi pa.


"May hinahanap ka?" tanong ni Sam.


Kumunot ang noo ko, "Ha?"


"Hanap mo si Baste?" tanong niya ulit at tumawa.


Napairap na lang ako bago damputin yung unan na nahulog sa carpet. Pagkatingin ko sakaniya at tumatawa na naman siya. May tinuro siya roon sa may ref kaya lumapit naman ako kaagad.


'Good morning! Mauna na ako. Hindi na kita ginising, kita nalang tayo mamaya :) - S'


Iyon ang nakasulat sa note na naka-magnet sa pinto ng ref. Anong oras kaya siya umalis?


"What a great morning!" sigaw ni Maeve pagkapasok ng unit ko.


Gulat pa siyang napatingin sa akin habang nakasuot siya ng sports bra at track pants. May hawak pa siyang tumbler kaya mukhang kaka-jogging niya lang.


"Anong oras ka umuwi kagabi ha?" sabi pa niya with matching pagturo sa mukha ko. "Umalis kang mag-isa tapos paguwi mo, may kasama ka na?"


Umirap ako. "Natulog muna siya rito kasi anong oras na at hindi na niya kaya magmaneho."


"Ayses!"


"As if naman katabi ko siyang natulog? Utak niyo eno!" laban ko.


Naupo na ako sa harap ni Sam para magtimpla ng kape. Ganoon din si Maeve na sa tabi ko nakan naupo.


"Anong oras umalis si Baste?" tanong ko.


5:40 AM pa lang. Ang call time namin mamaya ay 6:30 AM. Mabuti nga at hindi ganoon kalayo ang ABN-CBS dito sa pinagtitirhan ko.


Iyong sakaniya lang ang medyo malayo.


"Kasabay ko siya kanina. Mga maga-alas singko siguro," sabi ni Maeve. "Gulat ako paglabas ko, nagiinat siya eh."


Dalawang oras lang ang tulog niya. Sana pala ay may spare clothes siya rito para kahit papaano, pwedeng dito siya magbihis.


Teka, bakit ko ba iniisip yon?


Matapos kong inumin ang kape ko ay nagayos na ako ng sarili. Sinimplehan ko lang ang suot ko dahil sa studio na mismo ako magme-make up at yung damit na ipapasuot sa akin ng wardrobe. Nagpaalam na ako roon sa dalawa dahil tinawagan na ako ni Ate Pau na nasa lobby na sila ng condo at hinihintay ako.

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon