Chapter 15: Kiss

531 15 6
                                    

Ilang scenes nalang ang kailangan i-shoot tapos okay na ang movie namin. Naguumpisa na rin kami mag-promote at magpost tungkol sa movie. Nakaka-excite dahil maraming nagaabang na gusto na rin nilang mapanood.


Wala kaming shooting ngayong araw kaya free kami, kung saan namin gusto magpunta. Sakto naman na ngayon gaganapin yung birthday ni Rafael kaya napagdesisyonan namin na pumunta, kasama ko sina Sam at Maeve.


"Pupunta ako," sabi ni Sebastian habang nagmamaneho. "Invited ako eh!"


Ngumisi ako, "Oh tapos?"


"Tapos kiss mo 'ko," tumawa siya. "Joke! Sabay na kayo sakin mamaya. Sunduin ko kayo."


Konti na lang ay sa condo ko na rin siya titira tulad nung dalawa dahil lagi siyang nasa unit ko. Halos araw-araw at gabi-gabi iyon. Minsan nga ay hindi na siya umuuwi sa condo niya tapos doon nalang siya natutulog sa akin.


Pagbabayarin ko na talaga sila!


Nang makauwi, agad akong nag-ayos. Hindi naman ganoon kagarbo dahil sa club siya magce-celebrate. Nirentahan niya iyong isang club sa BGC kaya for sure ay puro kakilala naming artista ang nandoon at mga kaibigan niya.


Halos sabay lang din kami natapos ni Sam tapos si Maris ay hindi pa tapos mag-ayos. Hindi naman din kami nagmamadali dahil hihintayin pa namin si Sebastian.


Pagkarating niya sa condo, hindi ko na siya pinaakyat pa dahil bababa na rin naman kaming tatlo. Obviously, sa unahan ako sumakay. Nagulat pa nga ako dahil kinuha kaagad ni Sebastian ang kamay ko tapos hinalikan iyon bago i-intertwine.


"Ano ba naman 'yan!" reklamo ni Sam. "Paano kaya magmamaneho 'no?"


"Hay nako, ayoko pang mamatay ha!" dugtong pa ni Maeve.


Nagtawanan kami sa loob at nagkwentuhan hanggang makarating sa BGC. Marami na ngang tao sa loob, mayroon kaming mga kakilala doon na kaagad namin binati bago pumasok sa mismong loob.


"Birthday boy!" kantiyaw ni Maeve nang salubungin kami ni Rafael.


Napaawang ang labi ko dahil bumeso siya sakin. Napatingin lang ako kay Sebastian na naka-ngiti lang.


"Mabuti naman at nakapunta ka," sabi niya habang naka-ngiti. "Akala ko makakalimutan mo na ako, e!"


Tipid akong ngumiti, "Happy birthday."


"Walang anuman!" sagot niya at binati si Sebastian, "Pre, thank you!"


Tinanguhan lang niya iyon tapos naghanap na kami ng couch na pwede namin maupuan. Nawala kaagad si Sam, dumeretso kaagad kela Robi na nandoon sa dance floor.


Si Maeve naman ay umorder na rin ng maiinom namin. Busy pa siya kakalibot ng tingin sa buong club, parang may hinahanap.

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon