Chapter 23: Phone call

410 16 2
                                    

"So, ano nga?" Hinigit ni Sam ang chips na hawak ko. Pareho kaming walang schedule at mas ginusto na naman nilang maparito kesa umuwi sa kani-kanilang mga lungga nila.


Ilang araw din sunod-sunod na nabugbog ang katawan ko dahil sa pahabol na screenings and promotion for our movie. Kaya ito, ngayon na lang ulit ako nakapagpahinga.


"Anong ano?" inis ko siyang tinignan at kinuha ko ulit ang chips ko.


"Duh! Na-realize mo na ba na mahal mo si Sebastian?" deretsong tanong niya.


Umirap ako, "O-of course!"


"Tanga ka ba?" hinila ni Maeve ang buhok niya, "Ilang beses mong itatanong 'yan? Hindi pa ba halata?"


"Eh bakit ka nananakit?" ganti sakaniya ni Sam.


"Naguumpisa na naman kayo ha!" awat ko.


Tinuon ko na lang ang pansin ko sa TV na nasa harap dahil may pinapanood kaming movie. Napailing pa ako nang pabulong na nagaaway yung dalawa sa gilid ko kaya kinuha ko ang unan para ibato sakanila.


Wala yatang araw o oras o kahit minuto na hindi sila nagaaway.


"Anyways, kailan mo naman siya sasagutin?" pagchismis ni Sam.


"Samantha, tigilan mo muna ako!" iritable kong saway sakaniya.


Tumayo si Maeve para magpunta sa kabilang side ko. Nakikidakot sa chips pero halatang nakiki-chismis lang din naman siya sa pwede kong maisagot sa tanong nitong isa.


"Kailan nga?" tanong ni Maeve habang ngumunguya pa. "Have you already said those 3 words?"


"Luh, ba't nage-english?" asar ni Sam.


"I... I haven't," halos bulong ko.


"So, kailan nga?" natatawang tanong ni Maeve. "I mean, no pressure ha? Kasi malay mo naghihintay siya sayo."


"Alam naman niya 'yon. Willing to wait naman daw siya, and naghihintay lang naman ako ng perfect timing."


"Kailan nga 'yon?"


I shrugged, "I don't know. Maybe, sooner or later. Hindi naman minamadali lahat ng bagay diba?"


"At hindi lahat nakakapaghintay," they both said in chorus.


Napairap ako.


"Come on, Clem!" hinampas ako ng unan ni Maeve, "Why don't you go for it? Hindi sa lahat ng pagkakataon gumagana iyong may right time and perfect timing. Kasi paano kung ngayon na 'yon pero hindi mo ginawa at pinalagpas mo? You never know...baka one day, pagkagising mo, wala na."

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon