"Clementine, please, magpapaliwanag ako!"
Nakasunod lang si Rafael sa akin mula sa lobby kung saan niya ako hinihintay kanina. Hindi ko siya kinikibo sa elevator kahit panay siya salita; hanggang sa makarating kami sa unit ko. Isasara ko na sana iyong pinto pero hinarang niya iyong paa niya. Ako lang ang mag-isa rito, wala sina Maeve at Sam dahil may kaniya-kaniya silang trabaho ngayon.
"Rafael, utang na loob!" inis kong sabi. "We're done. Ano pa bang ie-explain mo?"
"No, babe... please, pakinggan mo muna ako!" he tried to reach for my hand pero kaagad kong iniwas iyon.
Binuksan niya nang malaki iyong pinto at lumuhod sa harap ko. I grabbed my phone from my pocket. I want to get out of this situation.
Binuksan ko ang imessage ko at nilagay iyon sa voice mail. Rinig doon ang boses ni Rafael pero hindi naman ganoon katagal, sinend ko kaagad kay Sebastian bago mag-type ng 'Help' tapos i-send iyon ng tuluyan.
"Dahil ba 'to kay Baste?" matigas niyang tanong habang dahan-dahang tumatayo. "Dahil ba sakaniya kaya ayaw mo na? Ganoon ba kadali para sayo na palitan ako?"
Mahina akong tumawa, "Seryoso? Nagpapatawa ka ba? Dapat sayo ko nga 'yan tinatanong? Ganoon ba talaga ako kadali palitan? Kay Leah, ha?"
Hindi siya nagsalita. Nanahimik siya sa sinabi ko. Oh, see?
"Rafael, please, maging busy na lang tayo pareho. Ganoon din naman, hindi ba?" mariin kong sabi. "Tutal, iyon naman talaga ang nangyayari sa atin. Naging busy ka, naging busy ako tapos pinagpalit mo na ako kaagaad!"
"That's not true, Clem!" pagtanggi niya sa sinabi ko habang sinusundan akong naglalakad papasok sa loob ng unit. "Hindi kita pinagpalit!"
"Eh ano pala? Ano pala yung pictures ninyo ni Leah? Yung nakita ko, yung halos mas mukha pa nga kayong mag-jowa dahil sa asta ninyo noong celebration ng birthday ni Kathleen tapos sasabihin mo sakin 'yan?" halos sigaw ko. "Alam kong walang tayo pero bullshit naman, Rafael, huwag mo akong gawing tanga!"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Padabog iyon kaya pati siya ay nagulat din. Dere-deretso lang si Sebastian papunta sa akin at kaagad akong hinila paalis. Ang isang kamay ko naman ay hinila pabalik ni Rafael kaya para akong naging si lastikman dahil sa ginawa nila.
"Ikaw na naman?!" sabi ni Rafael sakaniya. "Pwede bang huwag ka munang umeksena? Naguusap kami!"
"Shut the fuck up, Rafael," mahinahon na sabi ni Sebastian. "Just in case you don't notice or feel it, you're making her uncomfortable!"
"Ano naman sayo? Loveteam lang naman kayo on-screen diba? Bakit kung umasta ka parang kayo? Na parang hindi na 'to for work lang?" umangat ang gilid ng labi ni Rafael, "Gusto mo siya?"
"You're drunk," sagot lang sakaniya nito. "Nasa lobby si Leah."
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...