Nilapag ko ang iced coffee sa harap ni Sebastian. Tinignan niya lang iyon tapos naging busy na ulit sa pagbabasa ng script niya. Late akong nakarating dito sa location namin dahil late ako nagising, hindi kasi ako makatulog kagabi.
Tinaasan ako ni Ate Pau ng kilay dahil sa ginawa ko. Kausap niya iyong production staff, may pinapaliwanag yata sakaniya pero hindi ko pinansin iyon.
"Coffee?" tanong ko kay Joshua 'tsaka naupo sa tabi niya.
"Thanks," tipid niyang sagot.
Ito kasi yung sinabi nina Maeve sa akin. Naikwento ko kasi yung nangyari tapos sabi nila, suyuin ko raw. Edi ginawa ko naman! Ako lang mag-isang nagmaneho papunta dito sa location namin tapos naisipan kong mag-drive thru muna para bumili ng makakain ko, binilhan ko na rin siya iced coffee kasi paborito niya iyon.
Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa eh? Siguro dahil ayoko lang ulit na maging cold kami sa isa't-isa, lalo na may movie pa kaming gagawin. Hindi ako sanay kasi sinanay niya akong ayos na kami.
"Galit ka pa ba?" tanong ko naman, kinakabahan pa ako.
Binitawan niya ang hawak niya at tinignan ako, "No."
"Sorry..."
Umiwas siya ng tingin sa akin. Sincere naman iyong sorry ko eh.
"Hindi naman na kailangan, ayos lang..." sagot niya at tinignan ako sandali. "Okay na rin yung ganito, walang masasaktan sa atin pareho."
"Ikaw..." kinagat ko ang labi ko. "I-I'm sorry, hindi ko kasi—"
"Clem, sumunod ka sakin."
Tinignan ko si Ate Pau na naglalakad na palayo. Lumingon muna ako kay Sebastian na nagbabasa na ng script ngayon bago ako tumayo para sumunod don. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat namin pagusapan.
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?" iyon kaagad ang bungad niya pagkaharap sa akin.
"Ate naman," reklamo ko. "Ano bang mali sa ginawa ko? Binilhan ko lang naman siya ng iced coffee."
"Clementine, please... hindi ko kailangan ng kahit na anong paliwanag. Hindi titigilan ni Sebastian ang nararamdaman niya sayo lalo na sa ginagawa mong niyan."
Huminga ako ng malalim. "Hindi po kasi natuturuan ang puso sa dapat na mangyari at kung ano ang dapat nitong maramdaman."
"Pwes, dapat mong turuan ang iyo!" sigaw niya. "You only have 3 years contract, Clementine! Pagtapos noon, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sainyong dalawa. Hindi ko alam kung o-offeran pa kayo ng management after this or hahayaan na lang kayong solo artist!"
Napahilot ako sa sintido ko. Matagal-tagal pa naman ang tatlong taon.
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...