Chapter 16: Damage control

393 16 3
                                    

Tahimik lang ako habang pinapanood ang teaser ng movie namin. Napapa-ngiti ako dahil ang ganda ng kinalabasan no'n. Hindi na rin ako makapaghintay para sa trailer.


"Congrats!" sabi ni Ate Pau at niyakap ako, "Let's claim it! This will be a successful movie."


Ngumiti ako. Niyakap ko siya matapos magpasalamat. Syempre, kahit papaano ay lagi siyang nandiyan para sa akin. Handa akong suportahan all throughout.


"Hey!" hinila ni Sebastian ang kamay ko at niyakap ako bigla, "Congrats to us! Teaser pa lang pero gusto ko na mag-celebrate!"


Nginitian ko siya tapos tinapik ang kaniyang likod. Muli na naman nag-init ang mukha ko nang maalala iyong ginawa niya nung nakaraan. Nagulat din ako roon kaya naitulak ko siya pero tumawa pa talaga siya nun.


Naalala ko na yung pinaggagawa ko nung gabing birthday ni Rafael. Halos hindi nga ako makatulog nang maalala ko 'yon! Tawang-tawa pa sina Maeve sa akin.


Paano ba naman kasi? Naalala kong nakipaglaro ako ng beer pong kela Robi tapos dahil sa hilo ko, iyong iba ay nasho-shoot ko pero mas marami ang sablay. Ang dare nila sa akin ay si Joshua, kahit ano raw ang gusto kong gawin basta sakaniya lang.


At hindi ko alam kung bakit sinabi ko na halikan niya ako!


Noong sinabi ko naman iyon sakaniya, sabi nila Sam, namangha daw sila kay Sebastian dahil tumawa lang iyon at hindi in-entertain ang sinabi ko. Inawat pa ako dahil sa kalasingan.


"Ano na naman ang iniisip mo?" tanong niya, "Ako ba? Nakagat ko dila ko eh."


Napairap naman ako sa sinabi niya, "Hatdog! Para isipin ka?"


Bigla siyang sumimangot. Tinignan pa niya ako nung parang hindi ko pinansin yung pagmamaktol niya. Minsan talaga, hindi ko alam kung ilang taon na 'tong kasama ko eh. Parang bigla siyang nagiging 7 years old.


Hindi na niya ako pinansin after no'n. Ayos na rin dahil kailangan na i-shoot ang last scene namin. Matapos no'n, hindi muna kami pinauwi kahit pack-up naman na. Nagpakain si Direk para sa artists & staff, ganoon din kami ni Sebastian, nag-ambag na rin kami roon.


"After nito dapat kayo na ha!" kantiyaw sa amin tapos nagtawanan sila.


"Grabe, pressure!" sabi ko naman matapos lunukin yung nginunguya ko.


"Wait na lang tayo sa perfect timing," seryosong sagot ni Joshua kaya mas lalong naglakihan ang ngisi nilang lahat.


"Perfect timing if super sure na talaga."


Napalingon ako kay Ate Pau nang magsalita siya sa gilid ko. Ako lang naman ang nakarinig no'n kaya ako lang ang nag-react. Ano nanaman ba ang sinasabi niya? Akala ko ay ayos na?


"What?" tipid niya akong nginitian nang mapansing nakatingin ako sakaniya. 


I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon