"Huwag mong sabihing hulog ka na?" lumundag si Sam sa kama ko habang nakahiga ako sa lap ni Maeve.
"Malamang!" sagot ni Maeve, "Magiinarte ba 'to nang ganito kung hindi? Isip-isip din, hoy!"
"Bakit mo ko sinisigawan ha?"
At nag-away na naman sila. Ilang araw akong tahimik dito sa condo, pero nung nagkasabay-sabay na wala kaming schedule, parang sasabog ulit itong unit ko. Minsan na akong natuwa dahil natahimik ang buhay ko pero hinanap-hanap ko iyon, kaso ito namang bumalik na sila, parang gusto ko nalang mapag-isa ulit.
"Manahimik nga kayo!" saway ko naman, tinitignan sila ng masama.
"Ito kasi!" turo ni Maeve kay Sam, nagtuturuan pa talaga.
"Huwag kayong magulo, ang sakit ng ulo ko!" reklamo ko naman.
Sabay silang napatakip ng bibig, gulat sa sinabi ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay pero ganoon pa rin ang itsura nila.
"Buntis ka?" gulat na tanong ni Sam.
Kinuha ko kaagad ang mahabang unan para ihampas sakaniya 'yon. Muntik pa siyang malaglag sa kama ko dahil napalakas iyon pero tumawa lang siya habang nakahawak kay Maeve.
"Baliw ka ba?" sabi ko sakaniya habang tumatawa, "Paano, aber?!"
"E, diba nagkiss kayo?" dahilan pa niya.
Umirap ako, "Kiss lang 'yon. Walang iba pang nangyari kaya hindi ako buntis. Nahihilo lang ak—"
"Kita mo na!" pagputol niya sa akin kasabay ng mapanghusga niyang mata tapos nakatingin kay Maris. "Maeve, tignan mo 'tong kaibigan natin!"
"Napaka-OA mo!" natatawang sabi ni Maeve at binatukan si Sam.
"Aray ko naman! Kanina pa kayo ha!"
Hinampas niya ako ng unan kaya ginantihan ko rin siya. Syempre, alangan namang hindi namin isasali si Maeve sa katuwaan naming 'to, hinampas ko rin siya. Natigil lang kami sa hampasan nung biglang may kumatok. Inayos na namin iyong kong nagulo at mga gamit na nagtumbahan. Mabuti na lang at walang nabasag.
"Ano ba 'yan, ang KJ! Ikaw lang pala," rinig naming reklamo ni Sam.
Nilingon ko siya at ang kasunod niya. Halos tumakbo ulit ako papasok ng kwarto ko para magtago. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatago.
"Hoy!" katok ni Maris. "Anong inaarte mo?"
"Magbibihis lang ako!"
Napakamot ako ng ulo ko, walang nagawa kundi ang magbihis. Alam nila ang suot ko kanina kaya kung hindi ako magbibihis, masasabi nilang nagiinarte lang ako. Pagkalabas ko, ngiting-ngiti siya sakin. Kinuha ko ang maliit na unan sa sahig para ibato sakaniya.
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...