Chapter 13: Phone call

477 16 6
                                    

Sabay kaming nagpunta sa location. Nagulat pa nga iyong iba pero mas pinili na lang nila na huwag magtanong about doon. Buti wala pa si Ate Pau, baka masabon na naman ako.


"Kumain na kayo?" tanong nung isang staff. "Mayroon pa-breakfast doon, kumain na kayo."


"Hindi na, kumain naman na kami."


Dumeretso na ako sa tent para makapag-ayos na. Maya-maya naman ay magstart na kami kaya okay na rin nakahanda na ako. Ganoon din si Sebastian. Hindi ko siya kasama sa tent ngayon kaya nakakapanibago. Madalas kasi kaming magkasama sa iisang tent.


"Paano ka nakarating dito? Nasaan ang sasakyan mo?"


Nilingon ko si Ate Pau na hinihingal pang pumasok sa tent ko. Tinignan ko lang siya sa salamin habang inaayusan ako nung stylist ko.


"Sinong sinabayan mo?" tanong niya at naupo doon sa gilid. "Si Sebastian?"


I nodded. "Pinag-day off ko si Manong Roger. Kailangan daw niya ng asawa niya."


"Magkasama kayo kagabi?" tanong niya habang nakatalikod sa akin. "Nakita ko ang IG story ni Sam. Nasa condo mo siya kagabi?"


Tumango ako habang nakapikit. "Oo. Nagpunta siya."


Hindi na siya sumagot o nagsalita pa. Lumabas din siya kaagad ng tent at matagal pa bago nakabalik.


Nagumpisa na kami ng taping. Feeling ko nga ay hindi na kami papauwiin ngayon dahil may shoot pa kami bukas dito sa location kung nasaan kami.


"Lunch," nilapag ni Baste ang tupperware sa harap ko habang nakapatong ang baba ko sa palad ko.


Ngumiti ako at kinuha iyon para kumain na. Napalingon pa sa akin si Ate Pau na nasa harap ko, nagce-cellphone. Hindi niya kami pinakialaman kahit naupo pa si Baste sa tabi ko.


"Ate Pau, kain ka..." pagyaya ko sakaniya at inalok ang pagkain.


"Sige, mauna na kayo. Mamaya na lang ako."


Bandang hapon, nag-umpisa na ulit kami mag-shoot ng ilang scenes. Nakakapagod dahil puro takbo ang ginagawa namin. Medyo nakakatakot na rin yung paligid namin, naguumpisa nang dumilim. Parang literal na horror mansion 'tong location namin.


Matapos ng ilang shoot, dumeretso na ako sa tent ko para makapagpahinga. Kailangan maging alive mamayang madaling araw para mag-shoot ulit ng scenes.


"Are you tired?" tanong ni Sebastian nang pumasok siya sa tent ko.


I nodded, "Medyo."


"Tulog muna tayo."


Nagulat ako nang pumasok ang isang staff, dala-dala ang higaan niya na kaagad inayos sa tabi ng sa akin. Naupo siya roon tapos pinagdikit pa talaga. Hindi ko alam kung ano nanaman ang trip nito.

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon