Chapter 21: Bet

535 16 3
                                    

"Baby, are you mad?"


This is his 7th time asking me if galit ba ako sakaniya. Ako naman, todo iling. Pagod lang ako sa ganap ngayong araw kaya tinatamad ako magsalita. Ilang fansclub din kasi ang nagpa-blockscreening ngayon kaya lahat iyon ay pinuntahan namin. Mula kaninang 10AM pa 'yon, tapos ngayon ay 9PM na.


"Baste, stop..." hinawi ko ang kamay niya nang kilitiin niya ako.


"See? You're mad!" he pouted.


I sigh, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at umiling. "I am not mad, okay? Pagod lang ako."


He nodded. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtango niyang iyon. Tumayo siya at umalis, naiwan akong mag-isa dito sa loob ng van. Nilingon lang ako ni Ate Pau na nandoon sa labas. Kahit tinted iyon, hindi ko alam kung kita ba niya ako mula sa labas. Ako, kita ko siya syempre pero hindi ko lang alam sakaniya.


Maya-maya ay biglang bumukas iyong pinto at binungad si Sebastian na may dala-dalang foods. Sinarado niya ulit yung pinto tapos naupo sa tabi ko.


"Kain muna, baby!" sabi niya tapos binuksan iyong plastic.


"Ang bilis mo naman makabili?"


"Pinatakbo ko na sina Mark, may malapit na fast food diyan, e. Alam kong gutom ka kasi wala tayong maayos na kain kaya eto oh! Kain tayo?"


Parang lumiwanag ang mukha ko dahil doon. I really appreciate this side of him. I mean, hindi niya 'to napapakita noon but now, look! Grabe. Nakakataba ng puso.


"You're tired and you're hungry," komento niya habang ngumunguya at nakatingin sa akin. "You should've told me kanina pa para nabilhan na kita."


"We're busy. Walang time," sagot ko naman.


"I know. Nandiyan naman sina Mark, pwede akong makisuyo muna sakanila para mabilhan ka ng food."


Umirap naman ako, "Hayaan mo na. Okay naman na."


Hindi na siya sumagot. Matapos namin kumain ay tinabi niya muna iyong basura sa gilid dahil pumasok na ng van sila Ate Pau. Mayroon pa kaming last 2 na blockscreening na pupuntahan. Mabuti at magkalapit lang ng mall kaya ayos lang.


As soon as we got there, pasimple pa kaming naglakad sa gilid ng cinema. Busy manood ang fans kaya pumwesto kami ni Sebastian sa likod, kung saan may bakanteng upuan at tinabihan ang ibang fans na nandoon.


"Oh my gosh!" impit nilang tili, hindi magkaundagaga sa pagkuha ng phones nila.


Nilagay ko ang index finger ko bibig ko para sabihin na huwag muna silang maingay. They smiled and nodded, pinagpatuloy ang panonood. After ng movie, bumaba na rin kami doon sa may gilid. Dapat nga ay surprise pero dahil sa dami ng nakasunod sa amin, nagtayuan na iyong fans habang nakalabas ang phones nila.

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon