Tinititigan ko ang tasa ng kape na nasa harap ko habang naka-cross ang braso sa aking dibdib. Nasa tabi ko naman si Sebastian na busy habang naglalaro ng kaniyang cellphone. Sabay kaming nagpunta rito sa office ni Ate Pau kinabukasan. Buti na lang daw ay may dala siyang spare clothes sa sasakyan niya kaya nakaligo siya at nakapagpalit.
Nagmamadali si Ate Pau nang pumasok siya sa loob ng office. Binati niya kami habang may hawak siyang kape sa isang kamay niya. Kami kasi ang nauna rito.
"Don't worry, saglit lang 'to..." sabi niya pa at umayos na ng upo sa swivel chair niya. "I already messaged Wesley about this."
Tinapik ko si Sebastian para naman senyasan na nandito na si Ate Pau. Tinago niya ang phone at saka ako nginitian. Ngumiti na lang din ako bago ibaling ang tingin ko kay Ate Pau na may binabasa sa folder na hawak niya.
"May gagawin ba kayo after?" tanong niya.
"Wala," sagot ko naman.
"Wala rin ako," sagot nitong katabi ko.
"Okay, so... I am very sure that you are both aware na matatapos na ang contract niyo, right?" panguna ni Ate Pau at pinatong ang siko sa table.
We both nodded.
"Kinausap na ako sa taas," sabi niya at sumandal sa upuan niya. "They are giving you guys a one week para makapag-isip. You have to think carefully about whether you are still willing to continue the loveteam or not."
Nagkatinginan kami ni Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdam. I should be happy! Ang tagal kong hinihintay makawala sa kontrata naming dalawa pero parang taliwas naman doon ang nararamdaman ko ngayon.
"Pwede niyo akong balikan pagkatapos ng isang linggo kung nakapag-isip na kayo. Baste, kay Wesley mo na ideretso ang desisyon mo," aniya at huminga nang malalim. "Again, no pressure. If you think that 4 years of working together is already enough for the both of you, it's okay."
"Is that so?" bulong ni Sebastian at tumango. "Okay. Give us 1 week."
"Don't worry, it won't affect your fans. Real fans will stick around, whether as a pair or individually. Sooner or later, if your loveteam splits up, you will certainly be working on another project together, but if you want to work separately, management is likely to focus on your solo careers."
Nakayuko lang ako habang naglalakad papuntang elevator pagkatapos ng meeting with Ate Pau. Hindi ako makapagisip nang maayos. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakasunod lang siya sakin, at walang nagsasalita sa aming dalawa. Ito yung balita na matagal naman na naming hinihintay, yung balita na finally, makakaalis na kami sa loveteam. But...this just hits differently. Parang habang nagsasalita si Ate Pau kanina, gusto ko siyang pigilan at huwag nang ituloy yung sasabihin niya.
I actually don't know what to feel.
"What do you think?" he asked, breaking the silence between us.
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...