"Pustahan... it was just a stupid pustahan!"
Nakatingin lang ako sakaniya habang nakaupo ako sa dulo ng sofa, nandoon naman siya nakaupo sa sofa na nasa gilid, iyong pang-isahan lang. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nagpapaliwanag.
"Akala nila, hindi ka bibigay kasi ayaw mo sakin and you're dating Rafael."
"Pinagpustahan ninyo ako?" kumunot ang noo ko.
"Hindi sa ganoon," todo iling pa siya. "Sobrang vocal ako sakanila tungkol sa nararamdaman ko para sayo, hindi mo alam iyon, ayokong ipaalam muna sayo."
Kaya ba pinipigilan ako ni Ate Pau noong mga nakaraang buwan kasi ganito nga yung mangyayari? Na kapag sinuklian ko yung nararamdaman niya, mas lalong mapapahamak ang career niya?
"I admit na at first, it was just a bet. Kasi walang nakakasiguro na susuklian mo yung nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam, hindi ko naman in-expect kaya pumayag ako. And now..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.
"Hindi ko maisip kung paano nasisikmura ni Ate Wesley 'to? Hindi ba siya umaatras sa bet niyo? I mean, handler mo siya pero hahayaan niyang i-give up mo yung career mong pati siya ay pinaghirapan niya 'to?"
Umiling siya, "Kaya nga sabi ko, everything will be fine. Naguusap na kami and I know, she won't let me do it."
I sighed. Alam ko naman 'yon. Nakakainis lang na yun talaga yung naisip nilang pusta? Tapos itong si Ate Pau, nakisali pa.
Ngumiti nalang ako at tumango para sabihin na ayos na, na hindi na niya kailangan magpaliwanag. Parang ang bigat bigat ng katawan ko ngayon at gusto ko lang matulog buong araw. Tinitignan niya ang bawat pagkilos ko kaya nakakailang naman. I reached out for my phone para naman may magawa ako, nag-scroll na lang ako sa twitter ko.
"Please don't get mad," pagmamakaawa niya at niyakap pa ang bewang ko.
I shook my head, "Hindi naman, don't worry."
Now I get it. Siguro, gusto pa rin talagang protektahan ni Ate Pau ang career naming dalawa kaya pinagbawalan niya ako noon at todo push siyang huwag ko na patulan si Sebastian wherein fact, noon, gusto niya talaga magkaroon ng something between us.
"What are you thinking?" tanong niya, naka-nguso pa.
I shook my head, "Wala."
Noong bandang hapon, nagyaya siyang mag-mall kami. Hindi sana ako papayag pero pinilit niya pa rin ako kaya nawalan ako ng choice kundi ang sumama sakaniya.
Nagsuot lang ako ng black leggings, black shirt and cap. Ayos naman na iyon, hindi na kailangan ng masyadong natatakpan ang mukha ko. Lantad naman na kami sa lahat, hindi kagaya noong kay Rafael. Sa Shangri-la kami nagpunta dahil hindi ganoon karami ang tao roon. Tamang libot lang, tingin ng damit sa rustan at kain.
"Hello po! Pwede po magpa-picture?"
Nilingon namin iyong tatlong babae na naka-ngiti sa amin. We both nodded. Sa akin muna sila isa-isa before kay Sebastian tapos groufie naman ang kasunod.
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanficA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...