Halos hindi ko maitayo ang sarili ko para bumangon. Kanina pa ring nang ring iyong phone ko pero hindi ko maabot para sagutin man lang. Sobrang bigat ng pakiramdam ko! Tinakluban ko nalang ulit ng makapal na kumot ang sarili ko at sinubukan muling matulog. Wala naman akong schedule ngayon kaya makakapagpahinga pa ako.
Hindi ko na pinansin pa iyong phone kong kanina pa may tumatawag. Imposible rin naman kasi na si Ate Pau 'yon. Mas gusto pa niyang pumunta rito sa akin kesa tawagan ako.
"Clem?" katok ng kung sino sa pinto. "Clementine!"
Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto ko kaya medyo rinig din iyong nasa labas.
"I'm going to break this damn door if hindi mo pa 'to buksan!" sabi pa noon at mas lalong lumakas ang pagkatok.
Damn it. Sino ba 'to?
Sinubukan ko ulit itayo ang sarili ko at kahit nahihilo ay pinilit kong lumabas ng kwarto para buksan iyong main door bago pa niya sirain iyon.
"Fuck! Fina—What happened!?" sigaw nanaman niya at ang kasunod noon ay nag-blackout na ang paningin ko.
—
"Hey, wake up!"
Nagising ako sa oa ng pagkaka-alog sa akin. Lalo yata akong nahilo sa ginawa niya kaya inabot ko yung mahabang unan para ihampas sakaniya iyon. O' diba, atleast may kaonting lakas pa ako para mahataw 'tong hayop na 'to.
"Wake up, Clem. I cooked for your lunch para makainom ka na ng gamot," bulong niya at tinabihan ako sa kama ko.
Amoy na amoy ko ang pabango niya. Familiar iyon sa ilong ko.
"Lumayas ka nga muna rito," sabi ko at nagtaklob ng kumot. "Sebastian, lumabas ka muna!"
"What did I do? Nagtotopak ka na naman?"
Umirap ako kahit hindi niya nakikita dahil nakakumot ako. Gusto ko lang naman magbihis dahil naka-underwear lang ako at oversized shirt!
"Basta! Lumabas ka muna."
Inayos ko na ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Tinali ko ang buhok at medyo niladlad ang bangs na pinaayos ko noong nagpa-salon ako. Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon compare sa pakiramdam ko kanina.
Rinig ko ang TV mula rito sa kwarto kaya malamang ay nangialam na siya.
"Kain na tayo!" sabi niya pagkalabas ko pero hindi ko iyon pinansin.
Dumeretso na lang ako sa dining table at nakitang nakahanda na roon iyong kakainin namin. He really cooked.
"Tama lang pala na nagpunta ako rito ngayong umaga," sabi niya at uminom ng kape, "Bakit hindi ka nagsasabi na may sakit ka?"
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...