Halos hindi ako mapakali habang naga-air iyong TWBA episode namin ni Sebastian. Gabi ng lunes at nandito pa rin sina Maeve sa unit ko. Sila pa nga ang nagyaya sa akin na panoorin iyong guesting namin kahit ayoko talaga siyang panoorin kasi nakakahiya kaya ang itsura ko roon! Uulanin na naman ako ng kantiyaw nitong dalawa panigurado.
Nag-scroll ako sa Twitter ko habang naghihintay. Last gap na rin kasi noong teleserye bago ang TWBA. Marami ang nae-excite sa episode ngayon lalo na iyong mga nag-team live. Sila kasi ang witness nang lahat, kaya kahit may i-cut ay alam pa rin nila ang nangyari.
@superclementine: Who's waiting for #TWBA_17? Are you all excited?
Pikit-mata ko pang pinindot ang tweet button. I don't usually do fan services unless needed at napag-utusan. Eh ngayon naman, walang naguutos sa akin. Gusto ko lang i-tweet para na rin sa engagement.
Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog iyon at may nag-notif.
@sebastiangarcia: @superclementine ako po, excited na. :) #TWBA_17
Napakunot ang noo ko sa reply niya. Ngayon lang siya nagparamdam tapos sa Twitter pa. Ilang gabi nga akong hindi pinatulog ng ginawa niyang pagyakap sa akin noong birthday ni Kathleen. Hindi siya nag-message sa akin after niya ako ihatid dito sa condo, tapos ngayon lang siya nagparamdam.
"Ay ang gwapo!" komento ni Sam nang ngumiti si Sebastian sa camera tapos tumingin sa akin. "Maharot!"
Nag-air na pala, hindi ko man lang napansin iyon. Tutok na tutok naman itong dalawa samantalang ako, halos nakahuso na sa sofa at tinatakpan ang mukha ko gamit ang unan. Panay ang lingon nila sa akin at pangaasar sa tuwing tinitignan ako ni Sebastian. Dito ko lang napansin na panay siya tingin sa akin kapag hindi ako nakatingin sakaniya.
Kaya itong dalawa naman, kilig na kilig. Napansin din daw nila iyon.
"May 'sex or chocolates' ba riyan?" tanong ni Maeve dahil iyong fast talk na namin ang ipapakita.
Hinampas ko siya ng unan sa mukha, "Syempre wala!"
"Tunog disappointed ah?" asar ni Sam sa akin tapos nagtawanan sila.
Habang pinapalabas iyong fast talk namin, super tutok talaga silang dalawa tapos naka-ngiti pa. At dahil nga medyo nahihiya ako, inabala ko na lang ang sarili ko na kunahanan sila ng video para i-post iyong sa IG Story ko sabay lagay ng caption na, 'my ever supportive bffs. kilig na kilig pa yan!' at saka minention sila pareho.
Hindi pa man din siguro nakaka-isang minuto ang story kong iyon ay nagreply kaagad si Sebastia. Not to be assumera, pero bakit parang naka-on notification ako sakaniya? Eme.
@sebastiangarcia: sana pala riyan na rin ako nanood haha
@superclementine: why? wala ka bang tv?
Natawa pa ako pagka-send ko no'n kaya nilingon nila ako pareho. Tapos na ang TWBA kaya kung tignan nila ako ay parang manghang-mangha sila sa pinanood nila.
BINABASA MO ANG
I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)
FanfictionA story in which Clementine (JS) and Sebastian (JG) are well-known artists known as the "Nation's Love Team," yet as many claim, not everyone knows what happens behind the cameras. - Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, and events a...