Chapter 10: Cheese ring

500 16 3
                                    

Napa-ngiti kami sa isa't isa matapos pumirma ng kontrata. Napapagitnaan din kami ng mga bosses para sa picture taking. 3 years contract ang binigay sa amin. Tomorrow, mags-start na ng pitching for our next movie.


"Where do you want to eat?" tanong niya sa akin pagkapasok ko ng kotse niya.


"Kahit saan," sagot ko naman. 


"Gusto mo sa place ko? I'll cook."


I just nodded bilang sagot. Kumaway kami kina Ate Pau at Ate Wesley na kumakaway din sa amin pabalik. Dapat ay sasama sila kaso may meeting pa sila with the bosses.


"Ano sa tingin mo ang genre ng movie natin?" tanong ko pero nakatingin ako sa labas ng kotse niya.


He shrugs, "Ewan ko. Kahit ano naman 'yan, excited na ako gawin."


Nang makarating sa place niya ay kaagad naman ako sumalampak sa couch niya tapos binuksan ang TV para manood sa Netflix. Nakakapunta na rin naman ako dito sa condo niya kaya hindi na bago sa akin na nandito ako.


"Ano ba gusto mo?" tanong niya habang binubuksan ang mga cabinet sa kusina. "Adobo or sinigang?"


"I want adobo," sagot ko.


Hinintay ko lang siyang matapos sa niluluto niya. Wala pa rin akong nahahanap na magandang palabas kaya humiga na lang ako habang nagb-browse sa cellphone ko. Trending ngayon ang ganap namin ni Sebastian na nag-sign ng contract. Syempre, hinihintay din iyon ng karamihan sa fans namin.


Habang nags-scroll ako, lumitaw naman ang tweet ni Rafael.


@iamrafalonte: naniniwala talaga ako sa kasabihan na kahit gaano ka pa kamahal ng tao, iiwan at iiwan ka pa rin niya kapag may mas better ng dumating sayo.


Natawa ako. Hindi ko alam kung ano sino ang pinariringgan niya sa tweet niyang iyon pero tamang-tama sakaniya! Huwag niya lang sana paikutin ang ulo ng ibang tao na malapit sa amin.


Napailing ako at ni-like iyon. Wala lang, bakit? Hindi naman ako ganoon ka-affected. Nakakainis lang.


"Food is ready. Tara na, let's eat!" yaya niya sa akin. 


I nodded, "Okay."


Hindi naman niya ako binigo sa adobo niya. Natikman ko na rin iyon noon pero parang may kakaiba sa lasa ngayon. Nagbago yata siya ng recipe.


"Masarap ba?" nahihiya niyang tanong. "Ngayon na lang kasi ako nakapagluto ulit"


I nodded, "Oo, masarap! Specialty mo 'to eh," tumawa ako sa pangaasar sakaniya.


"Nalasahan mo bang may nagbago sa recipe? May kasama na kasing pagmamahal 'yan," asar niya naman pabalik. "Sakto kasing mabili ang gayuma sa Quiapo ngayon kaya dumaan ako noong isang araw."

I Hate that I Love You (JoshNella) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon