Four

5.3K 155 8
                                    

Chapter 4
Win

**

"Oh my gosh! Really?!"

Iyon ang reaksyon ni Dana matapos sabihin ni Jade ang napag-usapan nila kanina ni Ms. Aguilar. Halata ang excitement sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Yes. And I'm planning to accept it," Jade replied.

Nagtaas ng kilay si Dana at napahalukpkip. Halatang hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. Napakunot-noo si Jade.

"Wow. Talaga? Himalang hindi mo tatanggihan."

"Well, I was actually planning to reject it. Kilala mo naman ako, 'di ba? Kahit na gusto kong sumali, tatanggihan ko pa rin dahil ayaw kong ipakita ang tunay na ako."

"And what made you change your mind?"

"Si Kuya Ethan."

Napailing-iling si Dana. "Bakit pa nga ba ako nagtanong? Ano naman ang sinabi niya sa'yo na naging dahilan para magbago ang isip mo?"

Ikinuwento ni Jade kay Dana ang napag-usapan nila kanina ni Ethan. Pagkatapos niyang magkwento ay ilang beses siyang tinukso ni Dana na baka may gusto si Ethan sa kanya kaya gusto nitong makita siyang nakasuot ng pambabae.

"Ano ka ba? Bakit naman siya magkakagusto sa akin? Sa isip niya, alam kong iniisip niyang babae rin ang gusto ko. Imposible iyang sinasabi mo," aniya pero deep inside, gusto niyang paniwalaan ang sinabi ni Dana. Kung hindi nga lang imposible ay baka naniwala na siya.

"So? Bakit? Hindi ba pwedeng magkagusto ang isang lalaki kahit na alam niyang tomboy ang nagugustuhan niya? Girl, believe the impossible! Pustahan tayo, sigurado akong may gusto siya sa'yo."

Napabuntong-hininga si Jade. "Please don't make me believe in that. Please, huwag mong ipasok sa utak ko na posibleng magkagusto siya sa akin. Huwag mong hayaang umasa ako."

Hindi nakapagsalita si Dana matapos niyang sabihin iyon. She suddenly looks guilty. Alam ni Jade na alam nito ang ibig niyang sabihin. Ayaw niya lang masaktan kung sakaling hindi totoo ang mga sinasabi nito.

Sa huli ay napabuntong-hininga si Dana.

"Alright. I'm sorry. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," sabi nito. "Anyway, susuportahan kita sa pagsali mo sa pageant. Do you want me to do your make-up on that day? Or do you want me to lend you some clothes?"

Umiling siya. "Saka na siguro natin pag-usapan ang tungkol doon kapag nakausap ko na si Ms. Aguilar. Isa pa, kakausapin ko pa sina Mommy. Knowing Mom, alam kong siya ang pinakama-e-excite kapag nalaman niyang sasali ako sa pageant."

"Right. I'm sure she'll buy everything you need for the pageant."

After lunch nang maisipan ni Jade na pumunta sa faculty room para kausapin si Ms. Aguilar. Mas mabuti nang maaga nitong malaman ang desisyon niya para malaman din niya kung ano ang dapat na paghandaan.

Tuwang-tuwa si Ms. Aguilar nang malaman ang desisyon niyang sumali sa pageant. Hindi pa nga ito makapaniwala noong una at ilang beses pa nitong tinanong kung talagang sigurado na siya.

"If you're sure, I can talk to your teachers about it. Then, I'll announce it later to your classmates," she said. "Do you still need to talk to your parents about it? Baka hindi ka nila payagan?"

"Hindi pa po ako nakakapagpaalam, Ma'am, pero sigurado naman po akong papayag sila lalo na po si Mommy. Sigurado po akong matutuwa pa siya na sasali ako," sagot ni Jade.

Bahagyang natawa ang kanyang guro.

"I think I know why. Sa pagkakaalam ko ay ikaw lang ang nag-iisang anak na babae ng mga magulang mo, tama ba?" tanong ni Ms. Aguilar. She apologetically smiled. "I'm sorry. I'm a fan of your Dad during my teenage years so I kinda know how many you are in your family."

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon