Chapter 27
Help**
Tulala si Jade habang naglalakad pabalik sa kanilang classroom. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya sina Ethan at Athena. Gusto man niyang tanungin si Ethan kung totoo ngang nililigawan nito si Athena, nahihiya naman siya lalo na dahil hindi pa rin sila okay hanggang ngayon.
Nang makarating sa classroom ay huminga muna siya nang malalim bago pumasok. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata kay Dana na may iba na naman siyang iniisip. Nahihiya na rin siya sa kaibigan dahil madalas itong mag-alala sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Wala pa rin ang kanilang teacher nang pumasok siya. Pag-upo niya sa tabi ni Dana ay agad siyang nilingon nito. Hindi niya ito tiningnan sa takot na baka mapansin nito sa kanyang mga mata na hindi siya okay.
"Are you okay?" Dana asked.
"I'm fine. Nag-CR lang naman ako."
"Why do you sound defensive? Alam ko namang nag-CR ka. Iyon ang paalam mo, 'di ba?" sabi nito. Hindi sumagot si Jade. "Wait a minute."
Nagulat siya nang bigla na lang siyang hawakan ni Dana sa magkabilang balikat saka pilit siyang iniharap. Dahil sa ginawa nito ay hindi niya naiwasang salubungin ang mga mata nito.
"Dana..."
Pinaningkitan siya nito ng mga mata.
"Bakit ganyan ang mga mata mo? Did you just cry?" she asked.
Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat saka umiwas ng tingin.
"I didn't. Bakit naman ako iiyak?" sagot niya.
Hindi sumagot si Dana. Hindi niya alam kung naniwala ba ito sa kanya o hindi. Knowing her, posibleng hindi ito naniniwala sa kanya pero wala na siyang pakialam. Isipin na nito ang gusto nitong isipin.
Maya-maya ay narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Dana.
"Bahala ka nga," sabi nito. "Anyway, kumusta nga pala 'yong offer sa'yo noon? Now that you're out, are you finally going to pursue your dream to be a model?"
Natigilan siya sa tanong na iyon ni Dana. Saka lang niya naalala ang tungkol doon ngayong binanggit nito iyon. She forgot about it because of everything that happened.
Kahapon lang ay iniisip niya ang mga magiging plano niya sa hinaharap pero hindi man lang pumasok iyon sa isip niya.
"I don't know, Dana. To be honest, I forgot about it. Ngayon ko lang naalala dahil ipinaalala mo."
"So, ano ngang plano mo? Sayang iyon kung hindi mo tatanggapin. That's your dream, right? Maybe this is the right time to finally pursue it."
"You think so? Hmm..."
Napahalukipkip si Dana. "Kung si Ethan na naman ang iniisip mo, itigil mo iyan. This is your dream we're talking about. You shouldn't think of other things. Ayaw mo bang tanggapin ang offer na iyon dahil hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Ethan? Hindi mo na nga tinanggap ang offer na iyon noon dahil hindi pa alam ni Ethan na nagpapanggap ka tapos hindi mo pa rin tatanggapin ngayon dahil na naman sa kanya. Paano kung matagalan pa bago kayo magkaayos?"
Napasimangot si Jade.
"Hindi ko siya iniisip, okay? When it comes to my dream, I won't think about him anymore especially now that I can finally be myself," she replied and sighed. "To be honest, I really wanted to accept that offer. Iniisip ko lang kung ito na ba talaga ang tamang oras para tanggapin iyon. Ang dami ko pang iniisip."
"Isantabi mo muna kasi iyang pag-iisip mo kay Ethan—"
Pinutol niya ito. "It's not just him, okay? Iniisip ko rin ang pamilya ko. Alam kong susuportahan naman nila ako sa pangarap ko pero siyempre, gusto ko pa rin silang kausapin tungkol doon. Aside from that, I'm also thinking about the upcoming graduation and college entrance exams. I still need to review and there are still a lot of requirements I need to pass."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...