Chapter 40
Contented**
"Is that Jade Valiente?"
"OMG! Siya nga!"
"Gusto kong magpa-picture. Tara?"
"Nakakahiya. Huwag na lang. Kuhanan na lang natin siya ng picture rito."
"Picture-an mo na lang ako, friend. Gawin mo siyang background ko."
Napahinto si Jade sa pagkalikot sa kanyang cellphone nang marinig ang dalawang babaeng nag-uusap hindi kalayuan mula sa kanya. Nang pasadahan niya ng tingin ang airport ay napansin niyang marami na ang tumitingin sa kanya. May iilan ding kumukuha sa kanya ng litrato.
Kasalukuyan siyang nasa NAIA at hinihintay ang manager niya na pumunta sa banyo. Kasama niya itong umuwi ng Pilipinas. Apat na taon na ang nakalipas mula nang umalis siya para ipagpatuloy ang pangarap niya sa ibang bansa. Sa nakalipas na mga taon ay may pagkakataong nakakauwi siya sa kanyang pamilya pagkatapos ay babalik din sa ibang bansa. Pero ngayon, wala na siyang balak umalis ulit.
She's staying in the Philippines for good. And yes, she's finally ready to marry Ethan.
Inalis niya ang suot na shades saka nilingon ang dalawang babaeng narinig niya kanina. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nila nang ngitian niya ang mga ito. Akala siguro ng mga ito ay hindi niya narinig ang pinag-uusapan nila.
Sinenyasan niya ang dalawa na lumapit sa kanya. Halata ang excitement sa mga mata ng mga ito habang papalapit sa kanya.
"Hello po," bati ng dalawa nang makalapit sa kanya.
"Do you want to take a picture with me?" she asked.
Gulat na gulat ang dalawa nang marinig ang sinabi niya. Halos mapasigaw pa sila dahil sa tuwa. Ngumiti si Jade saka pinaunlakan ang dalawa na kumuha ng litrato kasama siya.
Dahil sa ginawa niyang pagpapaunlak sa dalawa ay unti-unti na ring lumapit ang ilang tao para makapagpa-picture sa kanya. Masyado na silang nakakaagaw ng pansin at masyado na ring pinagkakaguluhan si Jade kaya inawat na sila ng ilang security guards.
"Jade."
Nilingon ni Jade ang babaeng tumawag sa kanya. Lumapit sa kanya ang manager niya na kagagaling lang sa banyo. Sa pagsasalubong pa lang ng mga kilay nito ay alam na niyang pagagalitan siya nito.
"I told you not to entertain your fans," her manager said.
"Sorry, Vivian. I can't help it," she replied and smiled. "Sinusulit ko lang ang mga araw na pwede ko pang gawin iyon. I might stop doing that in the near future anyway. Besides, I love my fans. They're the reason why I reached the top."
Vivian sighed and didn't complain anymore.
"Fine. I won't say anything about it anymore. Anyway, let's go. Tatawagan ko pa ang susundo sa atin."
Lumabas na sila ng airport matapos iyon. Nakasunod sa kanila ang dalawang security guard na umawat sa mga fans kanina. Natatakot siguro ang mga ito na baka pagkaguluhan na naman si Jade paglabas niya ng airport.
Tinawagan na ni Vivian ang driver ng agency na susundo sa kanila ngayon. Sa pagkakarinig niya ay kanina pa ito nasa parking lot. Habang naghihintay ay inabala ni Jade ang kanyang sarili sa pagbisita sa kanyang social media accounts.
Natigilan siya nang marinig ang pagsinghap ni Vivian. Nilingon niya ito.
"You're trending on Twitter, Jade. Kumalat na agad sa internet na umuwi ka ng Pilipinas," sabi nito bago tumingin sa kanya. "Hindi alam ng pamilya mo at boyfriend mo na ngayon ang uwi mo, 'di ba? Paano mo sila sosopresahin niyan? Baka alam na rin nila na nandito ka na."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...