Chapter 19
Sorry**
Nanatiling tahimik si Ethan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Jade. Mas lalo lang naging magulo ang nararamdaman niya dahil sa sinabi nito.
"The reason why I lied to everyone is because I have feelings for you," Jade continued.
"Are you saying it's my fault?"
Mabilis na umiling si Jade.
"No! Hindi iyon ang ibig kong sabihin," aniya. "Nagkakamali ka kung ang iniisip mo ay nagpapanggap na ako mula pa noong mga bata tayo. Totoong noon pa man ay nahilig na ako sa mga laro at gamit na panlalaki. It's just that... as time goes by, I found myself going back to the way I was before."
Hindi nagsalita si Ethan. Kunot ang kanyang noo habang pinapakinggan ang paliwanag ni Jade.
"Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Madalas kang pumunta sa bahay namin noon para makipaglaro kina Kuya Jude. I wanted to play with you, too but you didn't like to play with me. Lagi kang umiiwas sa akin. Naging close lang tayo mula nang nahilig din ako sa mga laro ninyo at mula nang nagsimula akong mag-kilos lalaki. Totoo ang mga ikinikilos ko noong mga panahong iyon. But like I said, everything started to change as time goes by. I started liking girly things again. Believe me, hindi ko binalak na itago sa inyo iyon. Pero... natakot akong baka layuan mo ako."
"Hindi kita maintindihan."
"Natakot akong sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbabago ko dahil nakita ko kung paano mo layuan ang mga babae. Natakot ako na baka layuan mo rin ako tulad nang dati kapag nalaman mo ang tungkol sa pagbabago ko. I don't want to lose you. Ayaw kong layuan mo ako lalo na dahil may iba na akong nararamdaman para sa'yo noong mga panahong iyon."
Paulit-ulit na umiling si Ethan. Akala niya ay mawawala na ang galit niya kay Jade sa oras na magpaliwanag ito pero mas lalo lamang umusbong ang kanyang galit. This time, he's just not mad at her. He's mad at himself, too.
Nagulat siya nang malamang may nararamdaman si Jade para sa kanya pero hindi niya magawang pagtuunan iyon ng pansin dahil sa galit niya ngayon. Galit siya sa nangyayari sa kanilang dalawa.
"Why didn't you trust me, Jade? We're friends. Bakit mo inisip na lalayuan kita dahil lang doon? I'm not that shallow! I may not like girls that much but you're an exception. Hindi mo man lang naisip iyon?"
Napayuko si Jade at bumuhos muli ang panibagong luha mula sa kanyang mga mata.
"I'm so sorry, Kuya Ethan. Hindi ko naman talaga gustong lokohin ka pero napangunahan ako ng takot ko. Hindi ko rin ginustong paabutin ng ganito katagal. Sobra lang kasi talaga akong natakot sa sasabihin mo. Ayaw ko lang na layuan mo ako."
"Hindi mo ba naisip na mas mataas ang tsansang layuan kita dahil sa ginawa mo?"
Nakita niya ang pag-angat ng tingin ni Jade at ang panlalaki ng mga mata nito pagkatapos niyang sabihin iyon. Wala naman talaga siyang balak layuan ito pero ngayong pumasok sa isip niya iyon, naisip niyang baka nga iyon ang makabubuti para sa kanila.
Hindi nakapagsalita si Jade. Nagtuloy-tuloy lang ang luha nito at halata rin ang takot sa mga mata nito.
"Never mind the fact that you lied to me or to everyone, Jade. But you also lied to your family. Hindi ko akalaing kaya mong gawin sa pamilya mo iyon," pagpapatuloy ni Ethan. "Kung hindi ko ba nalaman ngayon ang tungkol sa itinatago mo, hanggang kailan mo balak magpanggap, Jade?"
Napayuko ang dalaga at napahikbi.
"I'm s-sorry. I'm so sorry..."
Napabuntong-hininga si Ethan. "I think this conversation is over. I hope you know and you're ready for the consequences of your actions."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...