Eight

5.6K 183 12
                                    

Chapter 8
Wallet

**

Pagkatapos mabili lahat ng kailangan ni Ethan ay umuwi na sila. Pagdating sa bahay nina Jade ay naabutan nila si Jude sa sala. Matapos batiin ang kanyang mga magulang ay nagpaalam na si Jade para umakyat sa kanyang kwarto.

Nasa kalagitnaan ng pagbibihis si Jade nang mapansin niyang wala ang wallet niya sa kanyang bulsa. Akala niya ay nasa bag niya iyon pero nailabas na niya lahat ng laman ay wala pa rin. Tinapos na muna niyang magbihis at nang matapos ay bumaba siya para itanong kay Ethan kung nakita nito ang wallet niya.

Mabuti na lang at hindi pa nakakauwi si Ethan nang makababa siya. Kasalukuyan pa nitong kausap si Jude at natigilan lang nang makita siyang pababa. Lumapit siya sa dalawa para magtanong.

"Kuya Ethan, nakita mo ba 'yong wallet ko?"

Napakunot-noo si Ethan. "Huh? Hindi. Bakit?"

"I think I lost it. Wala kasi sa bulsa ko at wala rin sa bag ko."

"Tingnan mo sa kotse. Baka nahulog mo roon," sabi ni Ethan bago iniabot sa kanya ang susi ng kotse nito. Kinuha naman niya iyon at lumabas.

Tiningnan ni Jade ang bawat sulok ng kotse ni Ethan pero wala siyang nakitang wallet. Malinis na malinis ang loob at walang mababakas na kahit anong gamit na nakakalat. Matapos niyang makasigurong wala nga roon ay isinara na niya iyon at bumalik sa loob ng bahay.

"Nakita mo?" bungad na tanong ni Ethan nang pumasok siya. Nakasimangot na umiling siya bilang sagot.

"Hindi mo ba alam kung saan mo posibleng nahulog?" tanong ni Jude.

Saglit siyang nag-isip. Agad na pumasok sa isip niya ang babae sa bookstore kanina. Naalala niyang binunggo siya nito kanina nang umalis ito. Nahulog ang cellphone niya nang mabunggo siya pero hindi niya napansing pati ang wallet niya ay nahulog.

"Nabunggo ako ng babae kanina sa bookstore. Baka nahulog iyon kanina at hindi ko napansin," sagot niya.

"Ano bang laman no'n? May mga importante ba?" tanong ni Ethan.

"Hmm... A few bills, two cards, and my IDs."

"Hindi natin alam kung may nakakita sa wallet mo at kung ibinigay ba sa lost and found ng bookstore. Posible ring hindi na iyon ibalik ng nakapulot," sabi ni Jude. "Sabihin mo kay Daddy ang tungkol doon para hindi magalaw ang cards mo."

Napabuntong-hininga si Jade at tumango na lang. Sinunod niya ang sinabi ng kanyang Kuya Jude at agad sinabi sa Daddy niya ang tungkol doon. Bilang pamalit sa nawala niya, binigyan siya agad nito ng allowance. He even let her use his card until they replace her cards. Well, perks of being the youngest child. Pero kung tutuusin, baka hindi niya rin masyadong magamit iyon dahil hindi naman siya mahilig gumastos maliban na lang kung importante.

Matapos makausap ang kanyang mga magulang ay sakto namang nagpaalam na si Ethan para umuwi. Pagkaalis nito ay bumalik na siya sa kanyang kwarto para magpahinga muna habang naghihintay ng hapunan.

She was scrolling through her Facebook newsfeed when she got a message request. Binuksan niya iyon para makita kung sino ang nag-chat sa kanya at kung ano ang kailangan nito.

Napakunot-noo siya nang makita ang pangalan nito. Yael Arcilla. Wala siyang kilalang ganoon pero dahil curious ay binuksan pa rin niya ang mensahe nito.

Yael Arcilla:
Hello.

Iyon lang ang sinabi nito kaya hindi na lamang niya iyon ni-reply-an. Hindi rin naman kasi niya iyon kilala. Ie-exit na sana niya ang app pero nagulat siya nang may sumunod pa ulit na message galing sa lalaki. This time, he sent a picture.

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon