Chapter 33
Curious**
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pormal na bumisita si Ethan kina Jade. Pagkatapos ng araw na iyon ay si Jade naman ang bumisita sa kanila. Like her family, Ethan's family is also okay with their relationship. They were all so happy for them especially Ethan's older sister, Natalie.
Sa linggong iyon ay nakabalik na rin si Ethan sa school. Dahil ilang araw na absent, naging busy ito sa paghahabol sa ibang lessons at quizzes pati na rin sa mga responsibilidad niya bilang Student Council President. Hindi naman siya pinabayaan ng iba pang miyembro ng student council kaya medyo napagaan ang mga tungkulin niya.
Tatlong araw mula nang makabalik sa school si Ethan ay nagulat si Jade nang tanungin siya ng kanyang dalawang kaklase kung sila na ba. Kahit iniisip niya kung paano nila iyon nalaman, hindi naman niya iyon itinanggi. Nagulat ang mga ito nang malaman iyon pero hindi naman nagtanong ang mga ito kung paano naging sila.
"Baka napansin nila sa mga kilos niyo?" sabi ni Dana nang mapag-usapan nila ang tungkol doon.
Napaisip si Jade. Kung tutuusin, halos wala namang ipinagkaiba ang mga kilos nila ni Ethan tuwing nasa school noon pa mang magkaibigan sila at kahit ngayong sila na. Dahil parehas na graduating student, mas naka-focus silang dalawa sa school activities. Tuwing lunch at uwian lamang sila nagkikita maliban na lang kapag may klase pa si Ethan kapag gabi.
Pero inaamin niyang tuwing magkasama sila o tuwing nagkikita sa hallway ay hindi nila maiwasang magkalapit. Sinusubukan naman nilang mag-ingat dahil bawal sa school ang PDA. Hindi nga lang napipigilan ni Jade si Ethan sa tuwing humahalik ito sa kanyang pisngi o noo. Minsan naman ay hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay sa tuwing inihahatid siya sa kanyang classroom.
Matapos malaman ng dalawang kaklase ni Jade ang tungkol sa relasyon nila ni Ethan, nagulat na lang siya nang naging usap-usapan iyon ng ilang estudyante. Hindi naman nila itinatago iyon pero hindi rin naman nila ipinagkakalat.
Sa huli ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil hindi naman niya mapipigilan iyon. Isa pa, alam niyang marami ang may gusto kay Ethan kaya hindi na dapat siya magtaka sa mabilis na pagkalat no'n. Ipinagpapasalamat na nga lang niya na walang nagtatanong sa kanya kung paano naging sila. Kung may mga galit mang fangirls si Ethan, ipinagpapasalamat din niya na hindi lumalapit sa kanya ang mga ito.
When weekend came, Ethan asked Jade to go out with him to celebrate Valentine's Day. Late celebration ang gagawin nila dahil hindi sila nakapag-celebrate noong mismong araw. May pasok kasi sila at pareho ring busy sa school activities.
Jade woke up early on a Saturday morning to get ready. This is going to be their first date as a couple that's why she's excited. Nasabi na ni Ethan kung saan sila pupunta at kung ano ang gagawin nila sa araw na iyon.
They're going to Manila Ocean Park. Bata pa siya noong huling punta niya roon at ang kasama niya ay ang kanyang buong pamilya. This time, she's going there with Ethan.
9:30 AM pa lang ay handa na si Jade na umalis. She's wearing a white button down knitted crop top and high waist black denim shorts. She paired it with her white sneakers. Alas diyes pa naman siya susunduin ni Ethan kaya may kalahating oras pa siyang maghihintay.
Mga ilang sandali lang ay tinawag siya ng kanilang katulong para sabihing dumating na si Ethan. Lumabas si Jade para salubungin ito at para samahan ito na magpaalam sa kanyang mga magulang.
"Sige po, Tito, Tita. Aalis na po kami. Ihahatid ko na lang po si Jade mamaya," paalam ni Ethan.
"Mag-ingat kayo," bilin ng ina ni Jade.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...