Thirty-Seven

4.6K 142 7
                                    

Chapter 37
Marry

**

"Congratulations, Jade! I'm so proud of you," bati ni Ethan kay Jade nang salubungin niya ito pagkatapos ng graduation program.

Imbes na magpasalamat ay agad na sinugod ni Jade ng yakap si Ethan. Tuluyan na siyang naiyak nang maramdaman ang init ng yakap nito. Mahinang natawa si Ethan saka nito hinalikan ang kanyang sentido.

Sa loob ng apat na taon, hindi naging madali para kay Jade ang lahat.

Hindi niya alam kung ilang beses siyang umiyak noon dahil sa hirap na pagsabayin ang pagmomodelo at pag-aaral. Ilang beses na rin niyang inisip na isuko na ang pagmomodelo pero sa tuwing iniisip niya na iyon ang pangarap niya ay nagpapatuloy siya.

Ang kanyang pamilya ang naging lakas niya sa mga nagdaang taon. Lagi nilang pinapalakas ang kanyang loob sa tuwing gusto na niyang sumuko. Maliban pa roon ay hindi rin siya iniwan ni Ethan. Ito ang iniiyakan niya sa tuwing pagod na pagod na siya.

One thing she really liked about Ethan is that even though it's so obvious that she already wanted to stop pursuing her dream, he didn't encourage her to give up. Both of them know that Ethan doesn't really want her to be a model. Pero kahit ganoon ay hindi siya nito pinayuhang tumigil na. Mas pinapalakas pa nga nito ang loob niya at laging sinasabing kaya niya iyon.

Eventually, Jade got used to it. Pero kahit nasanay siya na pagsabayin ang pag-aaral at pagmomodelo ay inaamin niyang sobrang hirap pa rin.

Dahil sa pagmomodelo niya at pagtatrabaho ni Ethan ay mas naging bihira na ang pagkikita nila. Sa tuwing may libreng oras si Jade ay saka naman busy si Ethan. Sa tuwing may libreng oras naman si Ethan ay si Jade naman ang busy. Mas madalas pa na sa video call na lamang sila nag-uusap kaysa sa personal. May mga oras naman na nagkikita sila pero saglit lang.

Kahit ganoon, pinili nilang intindihin ang isa't isa dahil alam nila kung gaano kahirap ang ginagawa nila. Hindi nga lang nila naiiwasan ang pag-aaway lalo na sa tuwing nagseselos si Ethan sa nakakatrabaho ni Jade. Kalaunan ay nasanay rin naman si Ethan kaya hindi na sila nag-aaway masyado tungkol doon. Kung mag-away man sila ay nagkakaayos din agad. Pareho lang naman silang nahihirapan sa trabaho kapag hindi ayos ang relasyon nila.

At ngayon, hindi na niya napigilang umiyak sa saya dahil alam niyang tapos na ang mga panahong iyon. Tuluyan na siyang nakatapos ngayon sa kolehiyo at sa pagmomodelo na lang siya magfo-focus.

Hindi man naging madali ang lahat para kay Jade sa nakalipas na apat na taon, iyon naman ang nagpalakas at nagpatibay sa kanya. Ang pagsisikap niya ang nagdala sa kanya sa tuktok. Ngayon nga ay masasabi niyang isa na siya sa mga kilalang modelo sa bansa.

"You did well, Jade. I'm so proud of you," Ethan said.

"Thank you. Thank you for not leaving me and for not encouraging me to give up," she replied.

"You're welcome. I'm just doing what I told you before."

Naghiwalay sila sa pagkakayakap nang lumapit ang mga magulang ni Jade. Bumati rin ang mga ito sa kanyang pagtatapos. After that, they started taking pictures.

Natagalan sila sa pag-alis dahil sa dami ng mga kaibigan at teachers niya na nagpa-picture sa kanya. Ayon sa kanila ay sasamantalahin na raw nila ang pagkakataon dahil maaaring iyon na ang huling beses na makikita nila si Jade. Alam nilang mahihirapan na silang makita ito lalo na dahil sikat na siya sa buong bansa.

Nang sa wakas ay natapos na ang pagkuha nila ng litrato ay nagpaalam na si Jade kay Dana. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita pero ipinangako naman nila sa isa't isa na mag-uusap pa rin sila paminsan-minsan. Ipinaalala rin nila sa isa't isa ang plano nilang dalawa sa hinaharap.

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon