Ten

5.6K 155 8
                                    

Chapter 10
Brother

**

Sa isang malapit na fast food chain napiling kumain nina Jade at Ethan. Nilakad lang nila iyon mula sa perya. Dahil gabi na at oras na ng hapunan, medyo nahirapan silang makahanap ng bakanteng upuan. Mabuti na lang at may umalis na magkasintahan kaya umupo agad si Jade para wala nang ibang umagaw.

Hinayaan niyang si Ethan na ang pumila at um-order ng pagkain nila. Habang naghihintay ay inilabas niya ang cellphone niya para mag-check ng kanyang social media accounts. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Ethan para makita kung malapit na ba itong um-order.

Sa kalagitnaan ng paghihintay ay naisipan niyang kuhanan ng litrato ang likod ni Ethan. She posted it on her Instagram story and typed, "Thank you for today." Pagkatapos no'n ay nag-scroll na lamang siya sa kanyang Facebook account.

Makalipas ang isang minuto ay nakatanggap siya ng message mula kay Dana sa kanyang Instagram account. Nag-reply ito sa kanyang Instagram story.

iamdanaiah:
Aba, nag-date ang mag-jowa.

itsjaderian:
We're just friends.

iamdanaiah:
wE'rE jUst fRiEnDs.

She rolled her eyes when she saw her reply. Magre-reply na sana siya pero may sumunod agad na reply mula sa kanyang kaibigan.

iamdanaiah:
Sus! Alam naman nating pareho na hindi friend ang tingin mo sa kanya.

itsjaderian:
Isipin mo na ang gusto mong isipin. Bahala ka sa buhay mo.

iamdanaiah:
Okay! Iisipin ko na lang na mag-jowa kayo.

Magre-reply pa sana siya sa message nito pero hindi na niya nagawa dahil biglang dumating si Ethan dala ang pagkain nila. Agad niyang in-exit ang kanyang Instagram account bago pa man nito makita ang pinag-uusapan nila ni Dana.

"What are you doing?" he asked. Umupo na ito sa harap niya saka kinuha ang pagkain mula sa tray.

"Just scrolling through my newsfeed. Kain na tayo?" yaya niya rito.

Sa una ay tahimik lamang silang kumakain hanggang sa mapatingin si Jade sa labas. Napansin niya ang mga Christmas decorations hudyat na malapit na ang Pasko.

Dahil palapit na ang Pasko, oras na naman para mamili siya ng mga ibibigay na regalo. Ang unang pumasok sa isip niya ay ang regalong ibibigay niya kay Ethan. Mukhang mahihirapan na naman siyang mag-isip ng ibibigay sa kanya.

Inilipat niya ang tingin sa lalaki at tumikhim para kuhanin ang atensyon nito.

"Kuya Ethan," tawag niya na ikinatingin naman nito sa kanya. "Malapit na ang Pasko. Nakabili ka na ba ng ipanreregalo?"

"Hindi pa pero may listahan na ako. Ikaw?"

Umiling siya. "Maybe I'll make a list later."

"Okay," he said. "I'm going out tomorrow to buy gifts. Gusto mong sumama?"

Gulat man sa paanyaya ni Ethan ay nakangiting tumango na lamang si Jade. Hindi niya kasi akalaing yayayain siya nitong mamili ng mga ipanreregalo. Masaya siyang niyaya siya nito pero ang ibig sabihin lang no'n ay hindi pa muna siya makakabili ng regalo para sa kaibigan.

Saglit pa silang nagpahinga sa restaurant pagkatapos maghapunan bago sila nagpasyang umuwi. Inihatid muna siya ni Ethan sa kanila bago ito umuwi.

**

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon