Chapter 39
Back**
Kanina pa nakatitig si Jade sa kanyang cellphone na para bang may bigla na lang lilitaw roon. Kasalukuyan siyang nasa terrace ng kanyang kwarto at naghihintay sa text o tawag ni Ethan. Pero hapon na ay wala pa rin siyang natatanggap mula sa lalaki.
Napabuntong-hininga siya. Binitiwan niya ang cellphone saka niya isinubsob ang kanyang mukha sa mesa.
Habang naghihintay sa text ni Ethan ay kanina pa rin niya iniisip ang tungkol sa problema nilang dalawa. Dahil sa naging usapan nila kahapon ay buong gabi niyang inisip kung tama ba talaga ang desisyon niya na tanggapin ang kontrata. Tinanghali na nga siya ng gising kanina dahil late na siya natulog nang nagdaang gabi.
Pero kahit ilang beses niyang isipin kung ano ang dapat niyang gawin ay bumabalik pa rin siya sa ideyang gusto talaga niyang ituloy iyon. Bata pa lang siya ay iyon na ang pangarap niya. Masaya siya na nakagawa siya ng pangalan sa sariling bansa pero gusto rin niyang subukan ang mga opportunities sa iba't ibang bansa.
Kung tutuusin, swerte pa nga siya dahil nagagawa niya ang bagay na talagang gusto niya. Not everyone have the privilege to do the thing or career they really want. That's why she doesn't want to waste that opportunity. Isa pa, nakapagdesisyon na siya noon pa man na gagawin na niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon.
Nakausap na niya ang kanyang mga magulang nang nagdaang gabi tungkol doon. Mahirap man para sa kanila na mapalayo sa kanya, sinuportahan pa rin siya ng mga ito. Sa ngayon, si Ethan na lang talaga ang problema niya.
She doesn't really want to leave him. She doesn't want a long distance relationship. Alam niyang marami na ang nasirang relasyon dahil doon. Pero kung tutuloy siya sa ibang bansa, iyon lang ang tanging magagawa nila kung gusto nilang ipagpatuloy ang kanilang relasyon.
Breaking up is not an option. Ni minsan ay hindi sumagi iyon sa isip ni Jade. Ayaw rin niyang bigyan ng ganoong ideya si Ethan. Pero sa totoo lang, natatakot siya na baka iyon ang maisip ni Ethan sa susunod na mag-usap sila. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nangyari iyon.
Buong araw na naghintay ng text at tawag si Jade mula kay Ethan pero walang dumating. Gabi na nang lumabas siya sa kanyang kwarto para sa sala na lang maghintay ng hapunan.
Hindi pa man siya nakakaupo sa sofa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay si Ethan na iyon pero bumagsak ang balikat niya nang makita ang pangalan ni Jude sa screen. Tinatamad na sumalampak siya sa sofa saka sinagot iyon.
"Hello, Kuya?"
"Where are you, Rian?"
"Nandito sa bahay. Bakit?" tanong niya saka in-on ang TV.
"Can you come here? Nandito si Ethan sa coffee shop. He's drunk."
Natigilan si Jade nang marinig iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na napatayo. Mabilis niyang pinatay ang TV saka dali-daling umakyat pabalik sa kanyang kwarto para magpalit ng damit.
"What? Anong ginagawa niya riyan? At bakit siya lasing? Hindi naman tayo nagbebenta ng alak, ah?"
"Kaninang tanghali pa siya nandito. Nagkakape lang naman kami noong una pero bigla na lang siyang nagyayang uminom. Of course, I declined because I need to work here. Pero ang loko, bumili ng alak sa labas at dito sa office ko uminom nang uminom," sagot ni Jude. Bumuntong-hininga ito. "I know you know why he's drunk."
Tumigil si Jade sa pagpasok sa kanyang kwarto nang marinig ang sinabi nito. Napayuko siya.
"I'm sorry, Kuya."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...