Chapter 9
Perya**
Matapos makapagpaalam kay Jude ay umalis na sina Jade at Ethan. Kasalukuyan na silang nasa biyahe nang maalala ni Jade na hindi pa nga pala niya alam kung saan sila pupunta ni Ethan.
"Saan tayo pupunta, Kuya Ethan?" tanong niya.
Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong din siya nito.
"What did you two talk about?"
She shrugged. "Wala naman. He just returned my wallet then I said thanks. Kumpleto naman ang laman ng wallet ko nang tingnan ko ang laman."
"Did he ask for something in return?"
"Yeah. Gusto sana niyang samahan ko siyang magkape pero bigla ka namang dumating so obviously, hindi ko na siya napagbigyan," sagot niya. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
Imbes na sagutin ang tanong niya ay hindi na naman nito iyon pinansin. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin pa rin sa kalsada.
"What? Niyaya ka niyang magkape at may balak ka sanang pagbigyan siya? Nasisiraan ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito.
Si Jade naman ang napakunot-noo ngayon dahil sa sinabi nito.
"Why? Wala namang masama."
"You don't know that guy. Paano kung may gawing masama sa'yo iyon? Paano kung may ilagay siya sa inumin mo?"
"Mukha naman siyang mabait. Besides, naroon naman ang mga empleyado pati na rin kayo ni Kuya Jude. Nothing will happen to me."
"Hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala kahit pa mukha siyang mabait. Kahit na naroon din kami ni Jude, hindi pa rin natin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Paano kung masalisihan niya kami?"
Napanguso si Jade at hindi na lamang nagreklamo. Kahit papaano ay alam niyang tama ito. Isa pa, alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya.
"Okay. Gets ko na. So... may balak ka na bang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta?" muli niyang tanong.
Hindi agad sumagot si Ethan. Nang sulyapan ito ni Jade ay pansin niyang parang nag-iisip pa ito. Para bang hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kanya. Nagtaas ng kilay si Jade.
Maya-maya ay huminga nang malalim si Ethan.
"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong nito.
"Huh? Akala ko ba may pupuntahan tayo kaya mo ako niyaya agad na umalis?"
"I just want to hang out before going home but I have no idea where to go. May gusto ka bang puntahan?"
Napailing-iling si Jade at sa huli ay napabuntong-hininga. Akala niya ay may gustong puntahan si Ethan at gusto lang nitong isama siya pero mukhang nagkamali siya. Saglit siyang nag-isip ng lugar na pupuntahan para kahit papaano ay hindi naman sayang ang paglabas nila ngayon.
Natigilan siya nang may maisip. Bakit kaya hindi niya samantalahin ang pagkakataong ito para mai-date si Ethan nang hindi nito alam? Sa tagal nilang magkaibigan, ngayon lang sila lumabas na walang kahit anong planong pupuntahan. Sa tuwing umaalis kasi sila ay lagi silang may nakahandang plano.
Dahil bigla na lang siyang niyaya ni Ethan na umalis at nalaman niyang wala pala itong planong puntahan, sa tingin niya ay pagkakataon na niya ito para maka-date si Ethan kahit na hindi ito aware na date ang gagawin nila. Napangisi siya sa naisip.
"Anong nginingisi-ngisi mo riyan?" biglang tanong ni Ethan. Tumikhim siya at agad na itinago ang ngisi sa kanyang labi.
"Alam ko na kung saan tayo pupunta," aniya. "May ikinuwento sa akin si Dana minsan tungkol sa perya na malapit sa kanila. Doon na lang tayo pumunta."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...