Thirty-Five

5K 121 0
                                    

Chapter 35
Dream

**

Sabi nila, mabilis daw ang paglipas ng oras sa tuwing masaya ka. Iyon ang naramdaman ni Jade sa bawat araw na kasama niya si Ethan.

Tuluyan nang nakatapos si Jade sa Senior High at si Ethan naman sa kolehiyo. Pagkatapos no'n ay sinulit nila ang mga araw na hindi pa nagsisimula ang mga mabibigat na trabaho sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Ethan. Maliban sa pamamasyal nang silang dalawa lang ay sumama rin sila sa bakasyon kung saan kasama nila ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Nang sumunod na buwan matapos iyon ay nagsimula na si Ethan sa mga mabibigat na trabaho sa hotel at nailipat na rin ang authority sa kanya. Dahil doon ay naging busy na ito at naging bihira na ang paglabas nila. Nagkikita na lamang sila sa tuwing naiisipan ni Ethan na bisitahin siya pagkatapos ng trabaho o kaya ay kapag may libre itong oras sa weekend.

Kahit ganoon, masaya pa rin silang dalawa kahit sa kaunting oras na magkasama sila. Hindi nga lang nila naiiwasan ang kaunting tampuhan pero wala pa naman silang malalang pinag-awayan.

Habang busy si Ethan sa pagtatrabaho ay inasikaso naman ni Jade ang pagpasok niya sa kolehiyo. Sabay silang nag-enroll ni Dana dahil pareho sila ng kursong kinuha. Sa huli ay nalaman nilang magkaklase rin sila.

Aside from that, Jade spent most of her time helping her brother at their coffee shop. She doesn't want to miss Ethan so much, that's why. Besides, alam niyang mabo-bored lang siya sa bahay habang bakasyon.

As for the modelling offer, she already talked to her family about it. They were shocked when they found out but at the same time, they're all happy for her. Suportado rin siya ng mga ito sa pangarap niya lalo na ang kanyang ina.

Pagkatapos no'n ay nagpasama siya sa kanyang ama para kausapin naman ang talent manager na nagbigay ng offer sa kanya. Pinag-usapan nila ang tungkol sa mga parte ng kontrata pati na rin ang balak ni Jade. Sinabi niya na balak niya iyong tanggapin pero kung maaari ay pagkatapos na lang niyang mag-adjust sa kolehiyo. Pumayag naman ito at sinabing habang naghihintay sa kanya ay aasikasuhin na nila ang kontrata.

Ilang linggo matapos iyon ay nagsimula na ang buhay ni Jade bilang college student. Unang linggo pa lang ay ramdam na niya ang hirap. Kahit ganoon ay ginawa niya ang makakaya niya at makalipas lang ang dalawang buwan ay medyo nakapag-adjust na siya.

Masaya pa rin naman si Jade sa buhay kolehiyo lalo na dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Mayroon ding mga lalaking alam niyang may gusto sa kanya pero hindi na lamang niya pinagtutuunan ng pansin.

It's the weekend. Kasalukuyang nasa isang mall si Jade at Ethan para manood ng sine at mamasyal. Sinulit nila ang araw na pareho silang hindi busy. Natapos na ni Jade ang mga assignments niya sa linggong iyon at medyo lumuwag naman ang oras ni Ethan sa trabaho.

Katatapos lang nilang manood ng sine nang magpasya silang kumain na muna ng meryenda. Habang kumakain ay nag-usap sila tungkol sa mga pinagkaabalahan nila nang nagdaang linggo. Nabanggit ni Jade na malapit na ang exams nila kaya medyo magiging busy siya sa pag-aaral.

"Good luck. I know you're smart but if you need help, you can ask me anytime," Ethan said.

Jade smiled. "Thank you but I don't want to disturb you. Alam kong sa ating dalawa, mas marami kang ginagawa."

"Yes, but I'll try my best to help you, too."

Sa huli ay tumango na lamang si Jade dahil alam niyang hindi niya ito mapipigilan. Pero kahit ganoon ay ipinagpapasalamat niya na willing itong tulungan siya kahit gaano pa ito ka-busy sa trabaho.

Still, she doesn't want him to worry too much about her so as much as possible, she won't ask for his help. Kung kailangan man niya ng tulong sa pag-aaral ay naroon naman si Dana pati na rin ang kanyang mga kaklase. Kapag wala na talaga siyang choice ay saka lamang siya hihingi ng tulong kay Ethan.

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon