Fifteen

5K 148 17
                                    

Chapter 15
Band

**

Mabilis na lumipas ang mga araw. Excited na umuwi ang lahat ng estudyante matapos ang Christmas party nang linggong iyon.

Nakahinga nang maluwag si Ethan dahil sa wakas ay makapagpapahinga siya mula sa student council activities. Si Dana naman ay nagpaalam na mag-a-out of town pagkatapos ng Pasko kasama ang pamilya nito.

Wala namang ibang gagawin si Jade sa bakasyon kundi ang tumulong sa kanyang Kuya Jude dahil mukhang wala talagang balak ang pamilya niya sa holiday vacation. Naintindihan naman niya iyon lalo na dahil nasa ibang bansa ang kanyang Kuya Jace. Ayaw naman nilang umalis nang hindi kumpleto.

Kung tutuusin, pwede naman nilang bisitahin si Jace sa ibang bansa pero mukhang wala ring balak ang pamilya niya. Siguro ay naisip iyon ng mga magulang niya pero baka ayaw naman ng kanyang Kuya Jace.

Pagdating ng weekend ay sinabi ni Jade sa kanyang pamilya ang balak niya sa buong bakasyon.

"Are you sure, Rian? Hindi mo naman kailangang gawin iyon. I can manage the coffee shop by myself. You can do whatever you want during the holiday vacation," Jude said while they're eating breakfast.

"Wala naman akong gagawin ngayong bakasyon, Kuya. Baka ma-bored lang ako rito sa bahay. Wala rin naman si Dana dahil mag-a-out of town sila ng family niya."

Napakibit-balikat si Jude. "Okay."

Sabay nang pumunta sa coffee shop sina Jude at Jade pagkatapos kumain ng agahan. Si Josh naman ay nagpaalam na pupunta sa recording studio na pagmamay-ari ng Daddy nila.

Hindi naman naging masyadong busy ang magkapatid nang araw na iyon kahit na marami ang customers. Kahit papaano kasi ay marami naman ang empleyado nila. Nagiging busy lang talaga sila tuwing mayroong promo sa kanilang coffee shop.

Habang naglilinis sa isang mesa ay biglang naalala ni Jade si Ethan. Naalala niyang tinanong siya nito kung ano ang gagawin niya ngayong weekend. Napaisip siya kung bakit nga ba siya tinanong nito ng ganoon. Ang akala niya ay may balak ito kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid at baka isama siya pero wala namang nababanggit sa kanya ang mga kuya niya.

Sa huli ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Kung sakali namang may kailangan si Ethan ay pwede naman siya nitong kausapin.

Alas kwatro ng hapon nang maisipan ni Jade na mag-meryenda. Kasalukuyan siyang nasa counter para kumuha ng kakaining pastry nang may biglang bumati sa kanya.

"Hi, Jade."

Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang nakangiting si Yael sa kanyang harap.

"Yael," aniya. "What are you doing here?"

Yael shrugged. "Tatambay ulit. May lakad ako pero maaga pa naman kaya naisipan kong magpalipas muna ng oras dito."

"Ah. Naka-order ka na?"

"Yeah," Yael replied. Napatingin ito sa hawak niyang plato. "Magme-meryenda ka? Can I join you? Mas masarap kumain kapag may kasama."

Ngumiti si Jade. "Sure. I'll just prepare my food."

Tumango si Yael. Matapos makuha ang order ay naghanap na ito ng mauupuan. Si Jade naman ay nagpatuloy sa pagkuha ng pastries. Pagkatapos no'n ay nagtimpla na rin siya ng kape.

Habang nagtitimpla ay nakita niya mula sa kanyang peripheral vision ang paglapit ni Jude. Nagpupunas ito ng mga gamit malapit sa kanya.

"Who's that guy?" he asked.

"Guy? What guy?" she asked before realizing that he's pertaining to Yael. "Ah! Remember the guy who found my lost wallet? That's him."

"What's his name?"

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon