Author's Note:
Every birthday ko talaga, hindi pwedeng wala akong update so heto na nga. Enjoy!
**
Chapter 2
Like**
"I'm home!" sigaw ni Jade pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niya sa sala ang kanyang mga magulang kaya bago umakyat sa kwarto ay humalik muna siya sa pisngi ng mga ito.
"Bakit hindi ka sumabay sa Kuya Josh mo? Hindi ka rin daw nagre-reply sa texts niya," tanong ng kanyang ina.
Napakunot-noo siya. "Nandito na po si Kuya?"
"You didn't know?" her father asked. Nang umiling siya ay huminga ito nang malalim bago tinawag ang kanyang nakatatandang kapatid. "Josh!"
Mga ilang sandali lang ay lumabas ng kwarto ang kanyang Kuya Josh. Nang makita siya nito ay sinamaan siya nito ng tingin habang pababa ng hagdan. Imbes na pansinin ang tawag sa kanya ng kanilang ama ay diniretso siya nito.
"Saan ka ba galing? Pinuntahan kita sa classroom mo kanina pero wala ka na roon kaya akala ko nakauwi ka na. Hindi ka pa nagre-reply sa mga texts ko," sunod-sunod na sabi nito.
"Lowbat ang phone ko, Kuya. Pinuntahan din kita sa klase mo kanina pero hindi kita nakita. Akala ko may activity ka pang gagawin kaya nauna na akong umuwi sa'yo. Pero mas nauna ka pa palang nakauwi kaysa sa akin?"
"Kararating ko lang. Nagkasalisi lang siguro tayo," sabi nito.
Narinig nila ang pagbuntong-hininga ng kanilang ina kaya nilingon nila ito.
"Next time, huwag mong hahayaang lowbat ang phone mo, Jade. At ikaw naman, Josh, sa susunod na hindi mo ma-contact ang kapatid mo, tumawag ka muna rito sa bahay para malaman mo kung nakauwi na ba siya o hindi," bilin nito.
"Noted po," napapakamot sa batok na sagot ni Josh.
"Aakyat po muna ako sa kwarto," paalam niya sa kanyang mga magulang. Sabay na silang umakyat ni Josh papunta sa kani-kanilang kwarto.
Mas nauuna ang kwarto niya kaysa kay Josh. Bago siya pumasok ay hinarap niya ang kanyang nakatatandang kapatid.
"Kuya," tawag niya. Nilingon siya nito. "May ibibigay pala ako sa'yo."
Inilabas niya ang letter at regalong pinabibigay ng kanyang mga kaklase para kay Josh. Nang ibigay niya iyon ay kunot ang noong tinitigan lang iyon ni Josh.
"Gifts again? How many times do I have to tell you to stop accepting gifts from anyone, Rian?" he said. Napailing-iling ito pero sa huli ay tinanggap na lang ang mga regalo.
Napahalukipkip si Jade. "Ilang beses ko rin bang sasabihin na hindi nga ako makatanggi? Dapat pagsabihan mo rin kasi ang mga babaeng iyon na tigilan na ang pagbibigay ng regalo sa'yo sa pamamagitan ko."
"The problem is you're too kind, Sis," he said. Napabuntong-hininga ito. "Next time, tell them that I already like someone else. Sa tingin ko alam naman na nilang lahat iyon. Sabihin mo na lang na wala silang pag-asa sa akin."
"Tulad ng wala ka ring pag-asa sa babaeng gusto mo?" aniya saka napangisi.
Nakita niyang nag-iba ang reaksyon ng kanyang kuya. He looks like he was caught off guard when she said it. He frowned because he knows she's teasing him. Gustong-gusto talaga niyang inaasar ang kuya niya lalo na kapag tungkol sa babaeng gusto nito.
Dahil nga nasa iisang school, ilang beses na rin niyang nakita ang babaeng gusto nito. Bihira silang mag-usap dahil hindi naman sila close pero may mga pagkakataong nakausap na rin niya iyon. Mabait ang babae at kung siya ang tatanungin, gusto niya ito para sa Kuya Josh niya. Iyon nga lang, ayon sa mga naririnig niya sa iba, masyado itong focus sa pag-aaral at hindi nito masyadong pinagtutuunan ng pansin ang panliligaw ng kanyang Kuya Josh.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomansaSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...