Thirty-One

5.7K 170 6
                                    

Chapter 31
Boyfriend

**

"Kuya Ethan," tawag ni Jade kay Ethan.

Napansin niya ang pagtigil nito sa pagkain ng ponkan pati na rin ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Wala pa man itong sinasabi ay alam na niya ang problema nito.

"I told you to stop calling me that," he said.

Napanguso si Jade. "Hindi ako sanay. All my life, I've been calling you kuya."

"Sanayin mo ang sarili mo kung ganoon," sagot ni Ethan. "What is it? May sasabihin ka?"

Umiwas siya ng tingin. Kanina pa siya nagdadalawang-isip kung dapat ba niyang itanong kay Ethan ang tungkol sa tsismis na kumalat sa school bago ito naaksidente. Pero kung hindi naman siya magtatanong ay siguradong hindi siya matatahimik.

Tumingin siya kay Ethan.

"Ano kasi... bago ang aksidente, may tsismis na kumalat sa school," aniya.

"Tsismis? Anong tsismis?"

"N-Nililigawan mo raw si Athena."

Nagtaas ito ng kilay. "And? Naniwala ka naman? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko nga gusto si Athena nang higit pa sa kaibigan? Kanino mo ba narinig iyan?"

"Sa classmate ko. Narinig lang din daw niya sa iba," sagot niya. "Hindi naman sana ako maniniwala noong una pero napaisip din ako lalo na dahil madalas kayong magkasama."

"Hindi dahil madalas kaming magkasama ay nililigawan ko na siya. Madalas kaming magkasama dahil parehas kaming parte ng student council. We have responsibilities that we need to do. That's it. There's nothing going on between us, okay? Hindi ko siya nililigawan at wala kaming malalim na relasyon."

Tumango si Jade at tipid na ngumiti.

"Okay. I'm sorry. Mula ngayon, hindi na ako makikinig sa mga tsismis. Kakausapin na lang muna kita," sagot niya.

"Good," Ethan replied. "Ako naman ang magtatanong sa'yo."

"Hmm? What is it?"

"Those students who tried to rape you... Why didn't you send them to jail?"

Natigilan si Jade nang marinig ang tanong ni Ethan. Doon lang din niya naalalang tanungin ang tungkol sa CCTV footage na natanggap ng mga magulang niya.

"Are you the one who gave the CCTV footage to my parents?" she asked instead of answering his question.

Tumango ito. "Yeah. Sinabi sa akin ni Dana ang nangyari pati na rin ang desisyon mong huwag nang ipaalam sa mga magulang mo ang nangyari. I don't want that, of course. I want those students to be in jail so I tried to find a way to do that. But I was disappointed when I found that they're just expelled. Ang akala ko pa naman ay ipapakulong sila nina Tito at Tita."

"Well, iyon naman talaga ang gusto nina Mommy at Daddy. Iyon din ang gusto ko pero nagmakaawa sa amin ang mga magulang nila. In the end, we had an agreement. Hinding-hindi na sila makalalapit sa akin at ang alam ko ay dadalhin na sila ng mga magulang nila sa ibang lugar."

Napabuntong-hininga si Ethan.

"I really don't like it but if that's what you and your parents have decided then I can't do anything about it," he replied. He took her hand and squeezed it. "I don't want it to happen again. Pero kung sakali mang mangyari ulit iyon, huwag mo na sanang subukang ilihim ulit."

Tumango si Jade. Naalala niya ang sinabi niya sa kanyang ina noon na susubukan niyang huwag nang maglihim lalo na kapag tungkol doon. Naiintindihan niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya.

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon