Twenty-Eight

4.8K 147 5
                                    

Chapter 28
Fault

**

Iyak pa rin nang iyak si Jade habang nasa biyahe papuntang ospital. Pagkatapos ng nangyaring aksidente kanina ay agad silang tinulungan ng lalaking nakabangga kay Ethan.

Habang nasa biyahe ay panay ang reklamo ng lalaking nakabangga. Kung hindi naman daw sana siya bigla-biglang tumatawid ay hindi sana nangyari iyon. Hindi naman nagreklamo si Jade dahil alam niyang tama ito. Kasalanan niya dahil hindi niya tinitingnan ang dinaraanan niya kanina.

Hindi rin niya mapigilang sisihin ang sarili niya sa nangyari kay Ethan. Hindi sana nasagasaan si Ethan kung nag-ingat lamang siya.

Pagdating sa ospital ay agad na dinala sa emergency room si Ethan. Naiwan sa labas si Jade pati na rin ang lalaking nakabangga. Binalingan siya nito at kinausap.

"Hindi mo ba tatawagan ang mga magulang niyo? Kailangan ko ng makakausap tungkol dito," sabi ng lalaki.

Dahil sa sinabi nito ay doon lang naisipan ni Jade na tawagan ang mga magulang ni Ethan. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili bago inilabas ang kanyang cellphone para tumawag. Pero bago pa man niya iyon magawa ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Josh. Doon niya lang din naalalang sabay nga pala silang uuwi.

Agad niya iyong sinagot.

"K-Kuya..."

"Rian, where are you? Uuwi na tayo."

She sobbed. "K-Kuya..."

"Wait. Are you crying? Where are you? What happened?"

"I'm at the hospital, Kuya."

"Hospital?! Anong ginagawa mo riyan? Anong nangyari sa'yo?"

"I'm fine, Kuya. P-Pero si Kuya Ethan... He's inside the emergency room. Can you please call Tita Eunice? Dito na lang ako magpapaliwanag."

"I'll call them. Calm down, okay? Wait for us there."

Sinabi niya kay Josh kung saang ospital dinala si Ethan pagkatapos ay tinapos na nito ang tawag. Ipinaalam niya naman sa lalaki na papunta na roon ang mga magulang ni Ethan. Dahil sa nakita niyang pag-aalala ng lalaki na baka makasuhan ito ay sinabi niyang siya na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang nila. Sa huli ay ipinangako niyang hindi ito makakasuhan.

Saglit na umalis ang lalaki. Umupo naman si Jade sa waiting area. Bumaba ang tingin ni Jade sa kanyang sarili. Mayroong dugo sa kanyang mga kamay at mayroon din sa kanyang uniform. Nakuha niya iyon kay Ethan nang yakapin niya ito kanina habang nasa sasakyan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tahimik na nagdasal. Ipinagdasal niya na sana ay walang malubhang mangyari kay Ethan. Ipinagdasal niya na sana ay gumaling ito agad. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may malalang nangyari sa kanyang matalik na kaibigan.

Pagkatapos magdasal ay hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya sa nangyari. Dahil wala siya sa sarili kanina ay hindi niya napansing papatawid na pala siya. Siya dapat ang nasagasaan kanina kung hindi lang biglang dumating si Ethan at iniligtas siya.

Siya dapat iyon. Siya dapat ang nasa loob ng emergency room ngayon. Siya na lang sana ang napahamak, hindi si Ethan.

Because of what happened, she doesn't know how to face Ethan's parents. They will probably get mad at her.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang nakalipas nang dumating si Josh. Agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa kanya para yumakap. Hindi na niya inisip na mayroong dugo sa kanyang mga kamay at uniporme. Hindi na rin niya napigilan pa ang muling pagbuhos ng panibagong luha mula sa kanyang mga mata.

The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon